MPD AT NPC, NAG-USAP
- Published on October 8, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIPAGDAYALOGO ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .
Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa mga media sa kanilang nasasakupan.
Ito ay kasunod nang nangyaring pamamaril at pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid sa Las Piñas City noong Lunes ng gabi.
Ayon kay NPC President Lydia Bueno, ang naturang pagpupulong ay bilang precautionary measures na rin para sa mga media na laging nasa panganib ang kanilang buhay sa kanilang pag-uulat ng mga balita lalo na kung may mga death threat.
Sinabi ni Bueno na bukas ang NPC sa anumang komunikasyon sa kanila sakaling may matanggap na anumang pagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag.
Pinayuhan naman ni Dizon ang kanyang mga tauhan na huwag daanin sa emosyon sakaling binatikos ng media.
Sinabi ni Dizon, bilang isang pulis, kaakibat nito ang salitang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon.
Aniya natural sa aksyon at pagtupad sa tungkulin ng mga pulis ang mga reaksyon ng mga hindi pinapaboran at nasasagasaan.
Kaya naman aniya dapat huwag daanin sa emosyon kapag may batikos at sa halip ay sagutin na lamang kung ano mang mga usapin .
Sinabi rin ni Dizon kay Bueno kasama ang ilang miyembro ng Manila Police District Press Corps sa ginanap na dayalogo na magkaroon ng close coordination at ipaalam lamang agad sa kanya sakaling may mga matanggap na mga pagbabanta sa buhay. (Gene Adsuara)
-
21-yr-old Harnaaz Sandhu ng India, bagong Miss Universe
Tinanghal bilang bagong Miss Universe ang pambato ng India sa katatapos na 70th coronation sa Eilat, Israel. Si Harnaaz Sandhu ay 21-years-old pa lamang na kasalukuyang nag-aaral ng master’s degree in public administration. Sumalang sa dalawang question and answer portion si Sandhu- una ay para sa Final 5 at pangalawa ay […]
-
2 lalaki na nasita sa damit, huli sa P52K shabu sa Caloocan
SA loob ng kulungan humantong ang paggala ng dalawang lalaki nang mabisto ang dala nilang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na damit sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]
-
PNP, naka-heightened alert na para sa Semana Santa 2024
ITINAAS na sa heightened alert status ang buong hanay ng Philippine National Police bilang paghahanda sa pagpapatupad ng segurdidad at kapayapaan para sa darating na paggunita ng Semana Santa sa bansa. Sa isang panayam sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na sa tuwing sasapit ang panahon ng Holy Week […]