• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPTC, SMC magsasagawa ng RFID “interoperability test”

Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corp. group ay magsasagawa ng testing para sa “interoperability” ng kanilang radio frequency identification cashless toll payment systems na magiging parte ng kanilang plano na gumamit ng iisang RFID sticker sa lahat ng expressways.

 

Nilagdaan noong December 4 ang isang kasunduan sa pagitan ng dalawang toll operators upang magkasama sila na gumawa ng isang testing para sa paggamit ng AutoSweep at EasyTrip RFID cashless toll payments na ginagamit sa North Luzon Expressway (NLEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX).

 

“A read rate percentage or the system’s performance indicator when comparing RFID infrastructure, would be determined through the interoperability testing, which will be conducted for 14 consecutive days involving 45 vehicles composed equally of the different vehicle classifications,” wika ng Department of Transportation (DOTr).

 

Ang SMC TPLEX Corp., isang subsidiary ng San Miguel Holdings Corp at ang concessionaire at operator ng TPLEX, ay gumagamit ng AutoSweep RFID tag, samantalang ang MPTC na siyang investment holding company ng NLEX Corp at operator ng NLEX at SCTEX ay gumagamit ng Eastrip RFID tag para sa kanilang electronic toll collection.

 

Magkakaron ng activation ang AutoSweep RFID sticker na gamit ang EasyTrip account, pagkatapos ay ang EasyTrip RFID sticker naman ay magkakaron ng activation gamit ang AutoSweep account.

 

Gagawa ng isang steering committee upang siyang magpatupad at mag monitor kung ginagawa ng dalawang parties ang kanilang dapat gawin sa ilalim ng ginawang kasunduan.

 

“After the test, participants would submit their test transaction reports and dashcam video recordings to the steering committee for validation and assessment,” ayon sa DOTr.

 

Binigyan ang steering committee ng limang (5) araw simula sa pagkatapos nilang mag sumite ng datus na kanilang nalakap upang makuha ang read rate percentage.

 

“The interoperability test is part of the ongoing campaign to implement a policy of toll interoperability for fast, efficient and seamless travel of motorists along various toll roads, as the country continues to recover from the impact of the corona virus pandemic,” dagdag ng DOTr.

 

Sinabi naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na sila ay nagpapasalamat sa pribadong sector na nagpakita ng kanilang walang sawang suporta sa nasabing proyekto ng pamahalaan.

 

Ayon pa rin sa kanya na kailangan ng pamahalaan ang kanilang tulong upang mapadali ang mga kailangan measures upang tuluyang ng maisakatuparan ang “interoperability.”  (LASACMAR)

Other News
  • New look ni SARAH na naka-pixie cut, nag-viral sa social media; second time pa lang nagpagupit ng maiksi

    NAG-VIRAL sa social media ang new look ni Sarah Geronimo.     Naka-pixie cut si Sarah at kinumpirma ng kanyang hair stylist na si RJ dela Cruz na hindi iyon wig kundi buhok talaga ng misis ni Matteo Guidicelli.     Unang nakita ang short hairstyle ni Sarah sa 5th anniversary virtual event ng Landers […]

  • TRAILER OF “PAWS OF FURY” SHOWS JOURNEY OF HERO UNDERDOG

    WHEN a town of cats is in danger, an unlikely hero rises: a dog named Hank! Watch the official trailer for Paramount Pictures’ new comedy adventure Paws of Fury: The Legend of Hank, in Philippine cinemas August 10.     YouTube: https://youtu.be/bKANfMWuQNM     About Paws of Fury: The Legend of Hank     A […]

  • Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

    SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.     Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.     Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto […]