MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, mula sa dating P11 lamang, o dagdag na P2.29.
Hiniling din nila sa petisyon na mapahintulutan silang maitaas ang distance fare ng mula P1 kada kilometro at gawin itong P1.21 kada kilometro.
Sinabi naman ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na inaasahan nilang mailalabas ang desisyon sa kanilang petisyon matapos ang dalawang buwan.
Ani Chavez, tulad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), wala ring fare adjustment ang inaprubahan para sa MRT-3 sa nakalipas na walong taon.
Noong nakaraang buwan naman, inianunsiyo ng DOTr na pinahintulutan na ang taas-pasahe sa LRT-1 at LRT-2, simula sa Agosto 2.
-
Malaking opportunity ito para sa Kapamilya actress: DIMPLES, isa sa napiling maging juror para sa ‘International Emmy Awards’
PARANG negative sa ilan base sa nababasa naming comments at naririnig ang pag-attend ng Kapuso star na si Sanya Lopez sa ginawang oathtaking ng bagong Vice President ng bansa simula sa July 1 na si Sara Duterte. Sa Davao pa ang oathtaking at kasama ng ilang big bosses ng GMA-7 ay tila very […]
-
Martes athletics coach na
HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City. Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning […]
-
Bebot na nagnonotaryo, huli sa entrapment ops sa Valenzuela
TIMBOG ang 22-anyos na bebot matapos kumagat sa ikinasang entrapment operation ng pulisya nang pirmahan sa ibabaw ng pangalan ng abogado ang ipina-notaryong “affidavit of loss” ng isang policewoman na nagpanggap na kliyente sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si […]