• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.

 

 

Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong Hunyo 1, 2020.

 

 

Anila, resulta ito nang pagpapatupad ng libreng sakay sa MRT-3 at pagpapatakbo ng 18 unit ng 3-car CKD train set, dalawang 4-car CKD train set at isang Dalian train set sa mainline.

 

 

Nasa 18 hanggang 21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.

 

 

Pinataas din umano nila ang passenger capacity ng bawat tren na kayang makapagsakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at mayroong 394 na pasahero kada train car.

 

 

 

Matatandaan na nasa 250,000 hanggang 300,000 mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw bago magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

 

 

Sinimulan namang patakbuhin sa bilis na 60kph ang mga tren ng linya noong Dis­yembre 7, 2020 at nabawasan din ang average headway o oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5-9 na minuto sa 20 tren, pababa ng 3.5-4 minuto.

 

 

Una nang ipinag-utos nina Pang. Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagkakaloob ng isang buwang libreng sakay sa MRT-3 matapos na makumpleto na ang isinagawang rehabilitasyon sa rail line. (Gene Adsuara)

Other News
  • Tatay ni Dr. Yumol na suspek sa Ateneo shooting incident patay

    PATULOY ang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril sa Lamitan City sa Basilan na ikinasawi ng tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol na si Rolando Yumol sa harap ng dating clinic ng duktor na matagal nang ipinasara.     Apela ni PNP PIO Chief Police Brig. Gen Augustus Alba sa publiko, tigilan […]

  • MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX

    Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).     Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang […]

  • Administrasyong Marcos, kumpiyansang maibababa ang poverty rate sa 9% sa taong 2028

    KUMPIYANSA ang administrasyong Marcos na maibababa nito ang poverty rate sa 9% sa taong 2028.     Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan  na ang  9% goal sa  taong 2028 ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalago sa “higher level, “enhancing the quality of growth through the creation of quality jobs and […]