MRT 3 pinahaba ang oras ng operasyon
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinahaba na ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) simula noong Lunes.
Ayon sa DOTr ay kanilang dinagdagan ng madaming trains ang tumatakbo sa peak hours ng operasyon nito upang magkaroon nang mas mabilis na karanasan sa pagsakay ang publiko.
Sa isang advisory ay sinabi ng DOTr na ang Southbound sa istasyon ng North Avenue ay magsasara ng 10:25 ng gabi habang ang Northbound sa istasyon ng Taft Avenue ay magsasara ng 11:04 ng gabi.
Ang unang train ng MRT 3 ay aalis ng estasyon ng 4:30 ng umaga at 5:05 ng umaga sa Southbound at Northbound, respectively.
Ginawa ang sinabing pinahabang oras ng operasyon ng MRT 3 matapos na magkaron ng inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa mga estasyon ng Taft, Ayala at Shaw na ginawa noong nakaraang March 17.
Ang MRT 3 ay isang 16.9 kilometrong rail line na may 13 istasyon na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA mula sa North Avenue sa lungsod ng Quezon hanggang sa istasyon nito sa Taft Avenue sa lungsod ng Pasay.
Samantala, sa isang pahayag ni Dizon ay kanyang sinabi na optimistic siya na magiging maganda ang sektor ng rail matapos niyang ilatag ang mga pangunahing proyekto sa transportasyon lalo na ang high-capacity mass transit system. Naniniwala siya na ang pag sasapribado ng mga kritikal na mga infrastructure sa transportasyon ay isa sa mga estrahiya na dapat ay tutukan ng pamahalaan.
“A high-capacity mass transport system is a public transportation network designed to carry a large number of people as quickly and efficiently as possible. It could be trains, subways and buses, the transport modes that help reduce traffic and make travel faster and more reliable,” wika ni Dizon.
Ayon kay Dizon na kapag nagawa ang mga plano sa mga modernisasyon ng mga nasabing proyekto sa pamamagitan ng public-private partnerships (PPPs), ito ay isang magandang development para sa mga motorista.
Subalit ayon sa kanya na kahit na may mga developments sa mga nakaraang taon, sa tingin niya ay may kulang pa rin ito upang maging maunlad ang mga mass transit systems sa bansa dahil mabagal pa rin tayo sa pag-usad at nahuhuli pa rin kumpara sa mga karating nating bansa sa Southeast Asia. Naniniwala siya na ang problema ay dahil sa right-of-way, red tape at mga financial constraints na siyang nakakasagabal at nakakapag-pabagal sa pagkakaron ng isang progresibong ekonomiya.
Dagdag niya na ang isang efficient na transportation network ay malaki ang matutulong upang magkaroon ng pag-usad sa ating ekonomiya na siyang magsisilbing tulay upang pagdugtungin ang mga lugar na rural at urban areas na siyang makakatulong upang magkaroon ng madaming trabaho, mabilis na kalakalan at makapagbigay ng komportableng karanasan sa paglalakbay ang mga tao.
“This is a stark contrast with the case in Metro Manila, as it remains heavily reliant on road transport, a situation highly susceptible to congestion and delays. The most glaring example of this is what happening daily on its main thoroughfare – EDSA. The impact of this on our economy has been substantial, with billions of pesos lost daily due to traffic gridlocks. Various solutions have been attempted, but the core issue remains which is congestion,” saad ni Dizon.
Dahil dito, si Dizon ay naniwala na ang kailangan ng bansa ay mga high-capacity mass transit projects na siyang magsisilbing susi upang magkaron ng matagumpay na reporma sa trapiko lalo na sa mga pangunahing lungsod ng bansa.
Ganon pa may ay kanyang sinabi na ang Pilipinas ay may sistema ng transportasyon na malayo pa sa mga bansang mauunlad tulad ng Japan at Singapore subalit umaasa pa rin siya na ang mga proyekto sa sektor ng rail ay uusad sa panahon ni Presiden Ferdinand Marcos, Jr. LASACMAR
-
Kaya naging mas masaya ang Bagong Taon: Ika-apat na anak nina ALFRED at YASMINE, isinilang pagkatapos ng Pasko
NAGING mas masaya ang pagsalubong ng Bagong Taon ng pamilya ni Konsehal Alfred Vargas dahil kasama nila ang ika-apat na anak na si Aurora Sofia. Maayos itong isinilang ng asawa niyang si Yasmine Espiritu-Vargas noong December 26, isang araw pagkatapos ng Pasko. Sa Instagram post, makikita sa larawan ni Yasmine na nasa hospital […]
-
Eduard Folayang umalis na sa Team Lakay
Nagpasya si Pinoy mixed martial arts Eduard Folayang na umalis na sa TEam Lakay. Sa kaniyang social media ay kinumpirma ang pag-alis na sa nasabing grupo matapos ang 16 na taon. Pinasalamatan ng dating two-time ONE lightweight champion ang kaniyang partnership sa Benguet-based MMA gym ganun din sa founder at dating coach nito […]
-
“Godzilla x Kong: The New Empire” smashes its way to the top with a roaring $194-M global opening weekend
THE Titans are on top of their game as Godzilla x Kong: The New Empire gathered a monstrous $194 million worldwide on its opening weekend. The epic monster mash sets the record for second-highest opening of the year, and stands as the third highest grossing movie of 2024 so far. A hit with fans, the […]