• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mukhang open na pag-usapan ang lovelife… JULIE ANNE, inamin na matagal sa silang close ni RAYVER at comfortable kasama

MUKHANG open na si Kapuso Limitless Actress Julie Anne San Jose, na pag-usapan ang tungkol sa lovelife.

 

 

         Yesterday, sa noontime show ng GMA-7 na “All-Out Sundays,” na summer vacation na ang topic, naitanong ni Alden Richards sa mga kasama niyang sina Julie Anne, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez at Barbie Forteza, kung enjoy ba silang mag-beach kapag summer?

 

 

        Sagot ni Jasmine, looking forward siya, si Barbie, ngayon daw pwede nang mag-beach muli, tiyak na isa yun sa gagawin niya at si Julie, “siyempre, enjoy kapag kasama mo ang family mo at love one,” kaya biniro siya ng mga kasama na ikinatawa nito.

 

 

            Matagal nang napapansin ng mga fans ni Julie na medyo open na raw itong magsalita tungkol sa love, lalo pa kung kasama nito si Kapuso actor Rayver Cruz, kapag gumagawa sila ng TikTok videos, na ang latest, they are seen dancing to the tune of Backstreet Boys’ hit song na “As Long As You Love Me” na siyempre pa ang nagtuturo sa kanya ay si Rayver.  Bakas ang saya sa dalawa habang sumasayaw at hindi na maitago ang closeness nila sa isa’t isa.

 

 

            “We’ve always been close po  naman ni Rayver, best friends kami niyan,” sabi ni Julie.

 

 

          “Matagal na po, since pa nang mag-co host kami sa “The Clash,” for three years na.   Isa po talaga si Rayver sa mga taong napagkukuwentuhan ko ng anuman meron sa akin, kung ano iyong problema ko, ang mga pinagdadaanan ko, like matters of the heart, family.

 

 

         “Comfortable po ako na kasama siya, kasi mabuti siyang tao, very thoughtful.”

 

 

            Sayang nga lamang at ilang Sundays nang hindi nagkakasama ang dalawa sa “All-Out Sundays,” dahil naka-lock-in taping si Rayver ng sports-serye na “Bolera” ng GMA, na pinagsasa-mahan nila nina Kylie Padilla at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

            KUNG excited na ang mga netizens na muling makitang mag-host si Dingdong Dantes ng world’s favorite game show na “Family Feud,” ganoon din ang feeling ni Kapuso Primetime King, dahil hindi niya nalilimutang minsan din siyang nag-pitch-in nito noong 2009 sa host na si Richard Gomez.

 

 

            “Nakamarka na kasi sa akin iyon.  Isa ito sa longest-running game shows in the world, at ngayong gawing local version para sa Pinoy viewers ay tiyak na makaka-relate sila.  At kahit na sabihin natin na ako yung host o game master, eh, naglalaro rin kasi ako.  Sobrang saya kasi, kaya hindi ako makapigil na makisama sa laro;”

 

 

           Sinu-sino kaya ang bubuo sa dalawang families na maglalaro ngayong hapon, na ang winning team ay tatanggap ng P 100,000 plus another P 100,000 kung sila pa rin ang mananalo sa jackpot round.  Ang losing team naman ay mag-uuwi ng P 50,000.

 

 

       Ang mga viewers  naman ay pwedeng manalo ng cash prizes habang nanonood sila sa kani-kanilang tahanan.  Panoorin lamang kung paano sila mananalo sa “Guess To Win” promo.

 

 

       Ang “Family Feud” ay mapapanood simula ngayong Monday hanggang Fridays, 5:45 PM bago ang “24 Oras” sa GMA-7 at abroad sa GMA PinoyTV.

 

 

              ***

 

 

    PANSALAMANTALANG iniwanan si Kapuso actor-comedian Buboy Villar ng bunso niyang anak, ang 2-year old son niyang si George Michael.

 

 

         Malungkot man, hindi nagpahalata sa anak si Buboy nang ihatid na niya sa airport last March 14.  Ihahatid si George sa mommy niyang Angielyn Gorens at magkikita na sila muli ng older sister niya, ang 4-year old na si Vlanz.

 

 

         Kailangan daw pumunta ng US si George para mag-appear doon since he was born in the US, two years ago.  Pero babalik din si George at muli silang magkakasama ni Buboy.

 

 

              Three years ago nang maghiwalay sina Buboy at Angielyn pero hindi naputol ang relasyon nila dahil nga sa mga anak nila.  At naging mabuti namang ama si Buboy na hindi tumitigil sa pagtatrabaho para sa kanilang mga anak ni Angielyn.

      (NORA CALDERON)      

Other News
  • BI, magsasagawa ng servive caravan sa Iloilo

    ANUNSIYO  ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsasagawa nila ng second leg ng kanilang nationwide caravan sa Iloilo.     Ang Bagong Immigration Service Caravan ay isasagawa sa Seda Hotel sa  Iloilo ngayong Abril 17.     Ayon sa BI, layon nito na mabigyan ng maluwag na pribilehiyo sa mag serbisyo sa mga dayuhan sa […]

  • Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022  elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo.   Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]

  • Carlos Yulo gold sa parallel bars sa Baku

    Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang unang gintong medalya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan matapos pagharian ang parallel bars final noong Sabado ng gabi..   Matapos mapalampas ang final sa kanyang pet event floor exercise, si Yulo ay higit na nakabawi dito sa isang perpektong routine sa parallel bars para […]