Muling nag-update sa kanyang kalusugan: KRIS, may malaking tsansa sa patuloy na paggaling
- Published on February 4, 2023
- by @peoplesbalita
MULING nag-update si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.
Patuloy na nakikipaglaban sa kanyang multiple autoimmune disorderstulad ng mga kundisyon na autoimmune thyroiditis and Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) or Churg-Strauss Syndrome.
Nitong lamang February 2, ilang araw bago ang kaarawan niya sa February 14, ibinahagi ni Kris na may bago siyang doktor at panibagong pag-asa sa pagpapatuloy ng kanyang gamutan.
Sinabi rin ni Kris, base sa kanyang Instagram post, na may malaking tsansa na siya ay patuloy na gagaling.
“For all of you, thank you for continuing to pray for me- I failed to ask his permission if I could name him, but my new doctor is considered among the BEST. I waited 3 & a half months to have a face to face consultation- and i know i made the right choice because after months of uncertainty, he gave someone like me, suffering from multiple autoimmune conditions the most important element needed: the renewed confidence to HOPE that although it will be a long process, i do have a strong chance of getting better. #faithful #grateful.
“To the original M.L. in my life @michaelleyva_ , little did i know, July of 2015- I’d make a lifelong, LOYAL friend and for Kuya Josh & Bimb to have an adopted kuya… Ibang klaseng #lovelovelove yung lumipad ka for just 4 nights, timing your trip so you’ll be here on the day I had my 1st checkup… Thank you for the GENUINE LOVE & EXTREME EFFORT. Super appreciated ko that you never fail to mention that i was one of the people who helped open the door for you- pero dapat malaman ng lahat you won’t be who you are NOW kung hindi ka creative, super sipag, always pleasant, still humble, kusang matulungin, concerned sa welfare ng employees mo and mapagmahal sa pamilya…”
Natuwa ang mga nagmamahal kay Kris nang makita siya na namamasyal sa Disneyland kamakailan kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.
Kapansin-pansin rin na nag-gain ng timbang si Kris at hindi na ganoong kapayat tulad dati.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG
HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]
-
Biden, pormal nang nanumpa bilang 46th US president
Opisyal nang nanumpa bilang ika-46 pangulo ng Estados Unidos si Joe Biden. Idinaos ang kanyang panunumpa sa US Capitol, na pinangasiwaan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts. Sa kanya namang unang talumpati bilang US president, nanawagan si Biden na magkaroon ng bagong simula sa pulitika sa kanilang at pagtanggi sa aniya’y pagmanipula sa […]
-
Bryan Bagunas KAMPEON sa Taiwan Top League
Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center. Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang […]