Muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency kay Mary Jane Veloso
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
KASUNOD ng pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas ay muling nanawagan ang Gabriela Partylist para sa agaran at full clemency.
Agad na dinala si Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong makaraang magbalik bansa mula Indonesia.
“Mary Jane Veloso is a victim, hindi siya kriminal. She is a victim of human trafficking and the government’s labor export policy that continues to push our women to work abroad despite the risks,” ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Brosas.
sinabi nito na labing apat na taon nang nagdurusa si Mary Jane at ang kanyang pamilya.
Samantala, nangako naman ang grupo na ipagpapatuloy ang pagbibigay suporta kay Veloso habang patuloy sa pakikipaglaban para sa hustisya at kalayaan at maprotektahan ang mga women migrant workers mula sa trafficking at exploitation. (Vina de Guzman)
-
Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver
Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga. Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan. Paglalahad pa ni Silver, […]
-
Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez
KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas […]
-
Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO
PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa. Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), […]