• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling pagbubukas ng ekonomiya, mapakikinabangan ng domestic inflation -NEDA

MAPAKIKINABANGAN ng domestic inflation rate ang katiyakan na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil babagal ito ng 3% ngayong Enero 2022.

 

 

“The sustained deceleration of domestic rate of price increases in January, from month ago’s 3.2 percent, is among the positive economic developments in the domestic economy to date,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.

 

 

“Going forward ang pinaka, kumbaga robust na na-move talaga natin is to revive the economy kasi kapag marami ang magpo-produce, magkakaroon tayo ng maraming supply. Ito talaga ang magpapa-stable ng ating mga presyo,” aniya pa rin.

 

 

Tinukoy ang bagong inflation data, sinabi ni Edillon na ang pagtaas ng presyo ng karne at isda ay dahil sa “upside risk” sa inflation rate noong nakaraang buwan.

 

 

“And for this reason, magrerekomenda kami actually na i-extend iyong validity ng Executive Orders 133 and then 134. Itong Executive Order na itinataas iyong minimum access volume para makapag-import pa tayo ng pork, and then ibaba iyong taripa,” ani Edillon.

 

 

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan na sila sa mga mambabatas para maipasa ang Senate Bill 139 o ang Philippine Livestock Industry Development Act na naglalayong palakasin ang industriya at i-promote ang “development, protection and regulatory functions” nito.

 

 

Sakop din ng batas ang dairy at native animals at poultry.

 

 

Layon din ng batas ang magtatag ng livestock development fund upang masiguro ang taunang suporta ng pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Death penalty iraratsada ng Kamara

    Iraratsada na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection laban sa mga convicted drug traffickers sa bansa.   “The House of Representatives is ready to stand up to the task and pass the priority bills outlined by President Rodrigo “Rody” Duterte in his fifth State of the Nation Address […]

  • ‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists

    WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono.   Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si […]

  • PDU30, pupunta ng US para magpasalamat sa suplay ng bakuna laban sa COVID-19

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari siyang magpunta sa Estados Unidos para pasalamatan ito sa pagsu-supply sa Pilipinas ng ilang milyong COVID-19 jabs.   Matapos makumpirma mula kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Estados Unidos ay magpapadala ng 5 milyong higit pa ng COVID-19 vaccine shots sa Pilipinas, pinuri ng […]