Murder suspect sa Navotas, arestado
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
Makaraan ang 12 taong pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang isang murder suspect sa Navotas city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto sa suspek na si Arturo Igana Jr., 28, mangingisda ng Blk 1 Lot 1 Ignacio St. Bacog, Brgy. Daanghari, na tinauriang No. 6 Most Wanted Person sa lungsod ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operations na isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/SMSgt. Anthony Santillan.
Si Igana ay inakusahan sa pagpatay kay John Frederick Bacongan habang naglalakad ang biktima pauwi sa Brgy. Daanghari noong July 23, 2008.
Ani Col. Balasabas, may personal umanong galit ang suspek kontra sa biktima kung kaya’t pinagsasaksak nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Bacongan hanggang sa mamatay.
Matapos ang pagpatay, nagtago si Igana hanggang sa makatanggap si Sgt. Santillan ng tip mula sa kanilang impormante na ang akusado ay madalas bumibisita sa kanyang pamilya sa Brgy. Daanghari.
Dakong 3 ng hapon, inaresto ng mga pulis si Igana sa bisa ng isang arrest warrant na inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Branch 169 sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)
-
Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery
Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery. Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod. Kaya naman, hindi muna maglalaro si […]
-
GSIS, nag-alok ng emergency loan sa lima pang lugar na apektado ng Mindoro oil spill
MAAARI ng mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na nakatira sa lima pang lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ang mga lugar ay ang Calapan City at mga munisipalidad ng Baco, San Teodoro, Soccoro, at Victoria. Sinabi ng GSIS na naglaan […]
-
Inaming magkapangalan sana sila ng Megastar: JANICE, hiyang-hiya kay SHARON nang mag-apologize dahil kay GABBY
SA latest YouTube vlog ni Snooky Serna, binalikan nga ni Janice de Belen ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta sa national television at ang pagso-sorry ni Gabby Concepcion nang muli silang magkatambal sa pelikula. Ayon kay Janice, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang paghingi ng paumanhin sa kanya noon si […]