• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALA NAMAN PAGTATAAS ng PASAHE, BAKIT MAS MAGASTOS BUMIYAHE

Inanunsyo dati ng LTFRB na hindi sila papayag na magtaas ng pasahe sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ) dahil hirap pa ang mga pasahero. Pero bakit tila yata mas magastos mamasahe ngayon. Anong nangyayari? Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng walang taas pasahe ay mas magastos ang mamasahe:

 

  1. Kulang ang public transportation kaya’t napipilitan ang mga pasahero na mag taxi o TNVS na hindi naman nila ginagawa noon. Kapag minalas-malas pa at masakay sa mapagsamantalang driver ay kokontratahin pa. Sa isang sumbong sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), dahil kulang ang bus at walang jeep, nagaabang ang mga taxi at nag “uulo-ulo” ang kwentahan at ang singil mula Cubao hanggang San Mateo ay P800 pesos! So magsasakay ng tatlo at hati-hati ang mga pasahero sa pagbabayad. At dahil sa baka abutin ng curfew, no choice minsan.
  2. Mas nadagdagan ang kanilang sasakyan papunta sa paroroonan. Yung mga galing San jose del Monte o Fairview, dati nakaka-deretso na ng Makati o Alabang – isang sakay lang. Ngayon GCQ dahil nag-experimento ang LTFRB ay pinutol ang ruta at hanggang EDSA Quezon Avenue na lang sila at sasakay ulit sa ‘EDSA Carousel’ na bus na pagdating sa Makati ay sasakay ulit – kung meron mang masasakyan, dahil pag wala ay maglalakad na lang.
  3. Sa mga sumasakay sa “modern jeep” – na mini bus naman talaga – ay mas mataas ang pasahe na P11 pesos.
  4. Sa tricycle naman na under sa regulation ng LGY at dahil isa lang ang pwedeng pasahero, ay puro “special” ang byahe kaya kadalasan ay doble ang halaga ng pasahe. Mas magastos kapag mas mahaba byahe na minsan ay umaabot ng P100 piso!

 

Pero sa kabila ng lahat ay umaangal pa rin ang mga operators at drivers dahil lugi nga raw ang byahe dahil ‘reduced fleet at reduced capacity’ na sila – ibig sabihin hindi pwede punuin ang mga sasakyan dahil nga dapat may social distancing sa pampublikong sasakyan.

 

Kaya naman ang ilan tulad ng UV Express at mga tricycle ay humihingi na ng dagdag na pasahe sa panahon ng GCQ. Ang hirap ng sitwasyon ngayon! Hindi pa man nag-GCQ ay nagmungkahi na ang LCSP ng ‘Bayanihan Fare’ para patas sa lahat. Kaya lang mas isinulong ng mga transport officials ang pangarap nila na ‘modernization’ ng jeepney.

 

Pro-commuter daw kasi ‘to.  Pero kung pro-commuter bakit hirap sila pareho – drivers at pasahero!  At bakit mas magastos ang pasahe? Saan dun ang ‘pro’!  Para sa LCSP, mula pa umpisa, ay huwag muna mag-experimento ng kung anu-ano sa panahon ng pandemia. Magtulungan muna na maka-survive ang lahat! Eh ang nangyayari ay nagugutom ang mga drivers, nawalan ng trabaho ang mga iba at hirap ang mga pasahero!

 

Asan ang ‘pro-commuter’ dito? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Band member, 2 bebot kalaboso sa P1.6M kush at marijuana sa Caloocan

    NASAMSAM sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang band member na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang mahigit P1.6 milyong halaga ng droga matapos matimbog sa buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng umaga. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. […]

  • P6.2-T national budget iminungkahi para sa fiscal year 2025

    IMINUMUNGKAHI ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024. Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan […]

  • CHECK OUT THE AWESOME DRAGONS AND THEIR BRAVE RIDERS IN THE NEW CHARACTER POSTERS OF “HOW TO TRAIN YOUR DRAGON”

    New character posters for the live-action reimagining of ‘How to Train Your Dragon’ have been released, showcasing the Viking warriors and their dragons in the Isle of Berk, where a long-standing feud exists between them. The film centers on the unexpected friendship between Hiccup (Mason Thames), the inventive son of Chief Stoick the Vast (Gerard […]