MVP susuporta sa FIVB World Championship
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
BUHOS ang suporta ni sports patron Manny V. Pangilinan (MVP) upang maging matagumpay ang pagdaraos ng prestihiyosong FIVB Volleyball Men World Championship sa Setyembre 12 hanggang 28 sa susunod na taon.
Inihayag ni Pangilinan ang buong suporta nito sa isang meeting na ginanap sa PLDT office sa Makati City kasama sina Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara, MVP Sports Foundation president Al. Panlilio at PLDT Business Transformation Group Head Ricky Vargas.
“Mr. MVP has once again brought the meaning of sports patron to a superlative level. With Mr. MVP’s commitment, the Local Organizing Committee [LOC) will be shifting to a higher gear preparations for the world championship which is a little over a year away,” ani Suzara.
Mas lalong tumataas ang kumpiyansa ng Alas Pilipinas na maganda ang inilalaro sa international tournaments.
Kabilang na rito ang dalawang sunod na bronze-medal finish sa Southeast Asia Men’s V.League na ginanap sa Manila at Indonesia.
“Those bronze medals are already milestones for Philippine men’s volleyball in Southeast Asia. The program is working and we are confident that Alas Pilipinas will make an impact in the world championship,” dagdag ni Suzara.
Sa FIVB MWCH 2025, may 32 matitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magbabakbakan sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Idaraos ang draw sa Setyembre 14 na susundan ng friendly matches sa pagitan ng dalawang Japanese club teams at Alas Pilipinas Men at Women squads sa Setyembre 7 at 8 na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City.
“We are all excited about this historic hosting because Filipino fans will get the opportunity to witness elite volleyball action from 32 teams,” ani Suzara.
Kasama si Pangilinan sa FIVB MWCH LOC Board na co-chaired nina Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, Senator Alan Peter Cayetano at Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Nasa LOC Board din sina Senator Pia Cayetano, Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann.
-
Bawas sa physical distancing sa mga PUV taliwas sa safety policies
IPINAHAYAG ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang pagbabawas ng distansya sa physical distancing sa mga pampublikong sasakyan ay taliwas sa mga umiiral na safety policies. “Lumabas sa pag-aaral ng mga health experts na ang social distancing, tamang pagsuot ng face mask at handwashing ay nakakatulong para maiwasan ang hawaan ng virus,” ani […]
-
Mahihirap na seniors, P1K na social pension sa DSWD simula Pebrero
SIMULA sa Pebrero ngayong taon ay makakatanggap na ng P1,000 monthly stipend ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget base na rin […]
-
PBBM, maaaring payagan ang rice imports sa mas mababang tariff rate sa ilalim ng bagong Agri law
MALAKI ang posibilidad na payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-angkat ng bigas sa mas mababang Ini-apply na tariff rate sa panahon ng anumang nalalapit o hinuhulaang kakapusan o anumang sitwasyon na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno. Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 120278 o Amendments to […]