• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mylah Roque nasa Singapore

NASA Singapore si Mylah Roque, misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para magpa-checkup sa karamdaman nito sa nasabing bansa.

 

Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules ni Quad Comm Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers base sa report at rekord ng Bureau of Immigration (BI).

 

 

“I cannot judge kung bakit siya umalis; meron kasi siyang letter sa amin sinasabi niya na nagpa-checkup yata siya sa Singapore,” ani Barbers kung saan ay hindi na bumalik ang misis ni Roque.

 

“I hope nothing serious is happening to her kasi sa ganun katagal. We don’t know; we just hope and pray na walang serious medical issue,” giit nito.

 

Si Mylah ay ipinatatawag ng Quad Comm dahilan ito ang pumirma sa Biancham Trading ng mister nitong si Harry. Ang nasabing kumpanya ay iniuugnay sa ni-raid na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga dahil sa isyu ng human trafficking.

 

Samantala si Harry ay iniuugnay rin sa Lucky South 99 matapos matagpuan ang ilang mga dokumento mula sa bangko at iba pang mga papeles na may lagda nito.

 

Si Roque rin ang nagsama kay Katherine Cassandra Li Ong, incorporator sa Whirlwind Corp. na nagpaupa ng lupain sa nasabing Pogo sa Porac at tumulong para sa pagsasaayos ng mga bayarin sa Whirlwind sa PAGCOR.

 

Ang mag-asawang Roque ay kapwa pinatawan ng contempt at ipinaaresto ng Quad Comm. (Daris Jose)

Other News
  • MAINE, wish na matapos na ang pandemya para muling makapag-travel

    NAGTATANONG ang netizens, bakit daw ang sipag ngayong magtrabaho ni Phenomenal Star Maine Mendoza.      Kung dati ay okey na sa kanya na araw-araw lamang siyang napapanood sa noontime show na Eat Bulaga at sa Daddy’s Gurl tuwing Saturday, ngayon ay tuloy pa rin siya sa dalawang shows at nadagdag nga lamang ang dalawang shows sa TV5 at Cignal TV.     Bale […]

  • NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas

    PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.     Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional manage­rs at warehouse supervisors.     Dahil dito […]

  • COMMERCIAL/RESIDENTIAL AREA, NASUNOG

    ISANG commercial/residential area ang nilamon ng apoy  kagabi sa Binondo, Maynila.     Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- NCR, nangyari ang sunog sa establisimyento na pag-aari ng Jespajo Realty Corporation.   Isa itong 5 storey residential/commercial mezzanine building  kung saan nagsimula ang apoy sa unit na inookupahan ni Shany Lim  sa Unit 209 […]