Na-bash dahil nakunang kumakanta sa harap ng altar: JULIE ANNE, personal nang nag-sorry at nangakong hindi na mauulit
- Published on October 11, 2024
- by @peoplesbalita
AGAD na nag-viral ang video ni Julie Anne San Jose habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.
Nangyari ito noong October 6, kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Inulan nga ito ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens, na karamihan ay hindi ito nagustuhan. Kaya bonggang-bongga na na-bash ang Limitless Star ng GMA.
Kaya naman personal nang humingi ng sorry si Julie Anne sa kamyang social media accounts pagkatapos mag-issue ng official statement ang GMA Sparkle management, tungkol sa kinasangkutang kontrobersya.
“I am offering my apologies,” panimula ng girlfriend ni Rayver Cruz.
“Even though my only intentions were to share joy and to give support to the church through the benefit concert, many have felt offended about the incident I was in and with my performance which caused distress.”
Dagdag pa niya, “I truly, sincerely apologize. This is a lesson learned and it is assured that it will not be repeated. I am not perfect but please know that I have strong beliefs and
“I pray that we can all move forward with compassion in our hearts.
“Thank you.”
Narito naman ang official statement ng Sparkle sa naturang issue.
“Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.
“Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event.
“It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.
“Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.
“She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.
“We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest.
“We apologize to Julie Anne as well.
“Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again.”
Isang malaking leksyon nga ito sa performers at artists, na maging maingat sa venue sa kanilang pinagtatanghalan.
(ROHN ROMULO)
-
HERBERT, pasok sa Magic 12 ng mga tumatakbong senador ayon sa isang survey
TULOY kaya ang Metro Manila Film Festival ngayong 2021? All is quiet kasi sa MMDA at MMFF Executive Committee. November 3 na pero wala pa rin silang announcement kung tuloy ang festival, especially now na papayagan na magbukas ang mga sinehan. Hindi namin sure kung may nag-submit ng entries dahil wala […]
-
NEW MUSICAL “CINDERELLA” UNVEILS OFFICIAL TITLE TREATMENT
GET ready for Columbia Pictures’ musically-driven, bold new Cinderella featuring global artists and original songs performed by Camila Cabello, Billy Porter, and Idina Menzel. Coming soon to Philippine cinemas. As production on the film has officially wrapped, check out Cinderella’s newly launched official title treatment below. Cinderella will be distributed in the […]
-
‘Hulihin na’: Apollo Quiboloy ipinaaaresto ng Senate committee
INIREKOMENDA na ng Senate committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipaaresto ang religious leader na si Apollo Quiboloy dahil sa patuloy na pag-isnab sa mga pagdinig kaugnay ng reklamong pang-aabuso sa miyebro. Ito ang binasa ni committee chair Sen. Risa Hontiveros sa kanyang opening statement ngayong Martes sa pag-asang […]