HERBERT, pasok sa Magic 12 ng mga tumatakbong senador ayon sa isang survey
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
TULOY kaya ang Metro Manila Film Festival ngayong 2021?
All is quiet kasi sa MMDA at MMFF Executive Committee. November 3 na pero wala pa rin silang announcement kung tuloy ang festival, especially now na papayagan na magbukas ang mga sinehan.
Hindi namin sure kung may nag-submit ng entries dahil wala ngang anunsiyo mula sa MMFF Execom.
Pero ang alam lang namin ay may plano ang TREX Entertainment na isali ang Roderick Paulate comeback movie na Mudrasta sa festival.
Directed by Julius Alfonso, this is the first film project of Kuya Dick under TRex Films.
May isang movie pa ang TREX titled Ngayon Kaya, starring Paulo Avelino and Janine Gutierrez which was selected sa summer MMFF last year, na hindi naman natuloy.
May automatic slot kaya ito sa December filmfest?
Pero kung gusto ng TREX na i-field ang Mudrasta, choice naman iyon ng producer.
May isang Dingdong Dantes film, directed by Law Fajardo, titled A Hard Day na napili rin for the summer filmfest last year. Project naman ito ng Viva Films.
A Hard Day will be the Philippine adaptation of the hit 2014 South Korean crime-action movie of Lee Sun-Kyun.
Ayon kay Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF, magkakaroon daw ng announcement in two weeks.
‘Di ba masyado na itong late? Kulang na sa promo period ang mga film entries na mapipili.
***
SA isang survey ay pumasok sa Magic 12 si former Quezon City Mayor Herbert Bautista.
That is welcome news para sa dating QC top executive. Pero mas naniniwala kami na once marinig ng mga tao kung ano ang kanyang agenda once maluklok na senador, mas maraming bibilib sa kanya.
Mahaba ang experience ni Mayor Bistek sa political scene. He was mayor of QC for nine years at marami siyang magagandang projects for QC residents.
Naniniwala kami na he will be an asset once he becomes a senator. He can put into good use ang mga natutunan niya as a local executive.
Besides, he is a more credible candidate kaysa naman sa ibang nag-file ng candidacy as senator.
***
WE don’t remember exactly kung kailan namin unang na-interview si Cong. Vilma Santos Recto.
But we are sure it was years ago kasi we remember going to a restaurant along Makati Avenue kung saan naming nakausap ang Star for All Seasons. Kapapanalo lang niya that time ng grandslam for Relasyon, ang iconic Ishmael Bernal film sa Regal Entertainment.
Ate Vi struck as a very warm person. First time namin nag-meet personally and it was our first lengthy interview with her na isinulat namin sa defunct Focus Magazine.
Aminado kami as a new writer then, we can’t help but ma-starstruck sa mga celebrities that we encounter in the course of our job.
Pero Ate Vi made us feel relaxed and through the years, every encounter is always a pleasant one.
When we did PR jobs for Viva Films, some of the Vilma Santos movies we handled were Imortal and Ipagpatawad Mo.
Sa kanyang kaarawan noong November 3, we wish Ate Vi the best of health. And we congratulate her sa kanyang magandang record as a public servant.
(RICKY CALDERON)
-
Possible Appearance of Hulk Has Been Rumored For ‘Deadpool & Wolverine’
IT is worth noting that an appearance from Mark Ruffalo’s Bruce Banner/Hulk has been rumored and possibly teased for quite some time. The first potential clue came from Netflix’s The Adam Project in 2022 which starred both Ruffalo and Ryan Reynolds, while also being directed by Deadpool & Wolverine’s director Shawn Levy. […]
-
Tuloy na tuloy na sa MET ngayong November 27: BOY at ICE, sanib-puwersa sa ikalimang edisyon ng ‘The EDDYS’
TULOY na tuloy na ang ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa darating na November 27 sa Metropolitan Theater (MET). Ito ang pagbabalik ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa face-to-face event matapos ang virtual na pagdaraos ng 4th Eddys nitong nagdaang 2021. Ang OPM icon […]
-
Kai Sotto babalik muli ng PH para sa Fiba Asia Cup qualifiers
Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim […]