Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda
- Published on July 20, 2022
- by @peoplesbalita
LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.
Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee Marcos, Diego Loyzaga as Bong Bong Marcos at Ella Cruz as Irene Marcos.
Kasama rin ang mga nagsiganap na mga helpers ng mga Marcoses nang panahong iyon, played by Karla Estrada, Beverly Salviejo and Elizabeth Oropesa.
Ang story ng “Maid in Malacanang” ay magpapakita ng last 72 hours ng pamilya sa Malacanang during the People’s Power Revolution in 1986. Ayon kay Direk Darryl, magpapakita movie ng buong katotohanan sa mga nangyari nang panahong iyon at wala silang binago sa kasaysayan.
Kaya naman mabilis na kumalat sa social media ang official trailer ng movie, idinaraos pa lamang ang mediacon, mabilis itong nag-trending at millions agad ang views nito.
Sa August 3 na ang nationwide showing in cinemas at magkakaroon din ito ng streamline screening para sa mga Filipinos abroad. Magkakaroon ito ng red carpet premiere night on July 29, sa SM The Block.
***
DURING the mediacon, inamin ni Cesar Montano na na-challenge siya nang tanggapin ang role ni former President Ferdinand Marcos.
“Konting panahon lamang kasi ang ibinigay nila sa akin para pag-aralan ang kanyang role, Naalaala ko nang ipagawa sa akin ang role ni Jose Rizal, seven months ang ibinigay nila sa akin, but here, seven hours lamang ako para maghanda at gampanan ang role niya.
“Pero kahit limited ang preparation ko, hindi ko sinayang ang oras para matutunan ko ang kanyang role. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko kay direk Darryl sa pagsubaybay niya sa akin habang nagsu-shoot kami.”
Hindi naman nasayang ang pagsisikap ni Cesar dahil pinuri siya ni Direk Darryl dahil lagi raw ‘take 1’ ang mga eksena niya.
***
PURING-PURI naman, hindi lamang ni Direk Darryl Yap, kundi ni Senator Imee Marcos, si Cristine Reyes dahil kuhang-kuha raw ng actress ang pagkilos niya, pananalita at kahit ang pananamit at ayos ng buhok niya ng time na iyon.
Para nga malaman ni Cristine ang tunay na Imee Marcos, nag-request siyang makausap ang Senadora.
“Pero hinayaan ko lamang siyang magkuwento at sa paghaharap naming iyon, naramdaman ko ang pain at memories ng nakaraan sa kanya. Kaya nang ako na ang nasa harap ng kamera, may hugot din ako, sa malungkot kong childhood at nagamit ko ito sa mga eksena ko.
“Makikita rito ang naiibang pagmamahal at pagtatanggol ni Imee sa kanyang pamilya. Kaya, wish ko sana, ay mapanood ng mga tao ang version ng truth mula sa mga Marcoses, sa pamamagitan ng “Maid in Malacanang,” pagtatapos ni Cristine.
***
BEFORE the end of July, magsi-celebrate na ng kanilang 44th year anniversary ang longest running-noontime variety show na “Eat Bulaga.”
Last Saturday, July 16, sinabayan na sila ng “Tropang LOL” at “It’s Showtime” na napapanood sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV. Samantalang ang EB ay napapanood lamang sa GMA-7, 12nn to 2:30pm on weekdays at 11:30am to 2:30pm tuwing Saturdays.
Ayon sa AGB Nielsen NUTAM, naka 5.3 percent ang EB, 2.9 percent ang “Tropang LOL” at 3.2 percent ang nakuha ng “It’s Showtime”, samantalang ang katapat nitong afternoon prime series na “Apoy sa Langit” ay nakakuha ng 6.2 percent.
(NORA V. CALDERON)
-
Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang
NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng Albay. Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply. Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant. […]
-
South Korea, No. 2 sa COVID-19
Umakyat na sa 156 ang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa South Korea. Nadagdagan pa ng 52 ang kumpirmadong kaso ng virus, ayon sa naitalang record nila. Bunsod nito, ang South Korea ang itinuturing na pinakagrabeng tinamaan ng virus sa labas ng China. Iniuugnay ang patuloy na pagtaas ng bilang ng […]
-
Halos 10-K na pulis ipapakalat sa NCR
Nasa kabuuang 9,634 police personnel ang ipapakalat at ang pagtatalaga ng nasa 373 checkpoints sa ibat ibang strategic areas dito sa Metro Manila ang ipatutupad ng PNP kasunod ng implementasyon ng uniform curfew hours epektibo simula March 15,2021. Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar may mga police augmentation forces din ang ide-deploy mula […]