Na-diagnose na may lung cancer, kaya gustong tulungan: JOHN, nagsimula ng fund-raising project para sa dating writer ng ‘Goin’ Bulilit’
- Published on October 19, 2022
- by @peoplesbalita
DAHIL marami na ang nakakapanood ng historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra ng GMA-7 kaya naman ang mga Pinoy na naka-base sa ibang bansa ay hinihiling na lagyan ng English subtitles ang bawa’t episodes kapag pinapanood nila ito sa YouTube.
At hindi lang kasi mga Pinoy kundi pati foreigners na tumututok din sa naturang teleserye.
Heto ang pinost ng isang netizen sa Facebook tungkol sa request nilang magkaroon ng English subtitles ang teleserye na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Barbie Forteza at Julie Anne San Jose…
“SANA MAGKAROON NG ENGLISH SUBTITLES
“Ito ang request ng mga Foreigner Reactors at ilang OFW na piniling tumira sa ibang bansa para sa Maria Clara at Ibarra.
“Umabot na nga pati sa mga Foreigners ang kasikatan ng Maria Clara at Ibarra ngunit hindi nila ito maintindihan dahil walang english subtitles.
“Sa YouTube Channel ng Sol & Luna TV na Latina Twins ay mas better diumano kung magkakaroon ng English Subtitles ang nasabing GMA Historical Portal Fantasy Series upang mas lalo nilang maintindihan ang sense ng show lalo na ang Latin America ay kagaya din ng Pilipinas ay matagal na sinakop ng mga Kastila at kung magkakaroon ang Maria Clara at Ibarra ng English Subtitles ay magkakaroon diumano sila ng comparison sa kultura ng Pilipinas noong Spanish Period at sa mga kultura ng Latin America.
“Ang Nepalese YouTube Vlogger and reactor na si Jeevan ay gusto rin na mapanood ang nasabing serye pero baka magkaroon diumano siya ng insensitive na masasabi dahil nagbabase lang sa mga visuals at hindi niya naintindihan ang buong series.
“Ito rin ang panawagan ng ilang OFW na mas piniling tumira sa ibang bansa at nagkaroon ng mga pamilya doon. Mas magiging madali diumano sa kanila na ituro sa mga anak ang Filipino Roots ng mga ito kung may mga media forms kagaya ng Maria Clara at Ibarra.
“GMA pagalawin na natin ang baso. English Subtitles para sa bawat episodes ng Maria Clara at Ibarra.”
Kasalukuyang na top-rater sa primetime ang Maria Clara At Ibarra. Sa YouTube naman, ang first six episodes ng teleserye ay humamig na ng higit sa 1 million views.
***
NAGSIMULA ng isang fund-raising project ang former child actor na si John Manalo para sa dating writer ng ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit.
Sa kanyang Instagram, in-announce ni John na magpapa-raffle siya ng ilang mga gamit niya para makalikom ng funds para sa medical expenses ng writer na si Sherwin Buenvenida na na-diagnose with lung cancer.
Sa mga gustong sumali sa raffle, ang reservation ng slot ay P500. Kabilang sa ipa-raffle ni John ay tatlong cameras (Kodak Retina Automatic III Rangefinder, a Nikon FG with Nikon 50mm f/1.8 lens, or a Canon EF 135mm f/2.8 soft focus camera) at isang classic bike (Sakula Kyoto Japan Minivelo bike).
Kapatid na ang turing ni John kay Sherwin noong magkakilala sila sa set ng Goin Bulilit. Apat na taon daw silang nagkatrabaho sa naturang show.
“Itong taong ito ay sobrang dami ng natulungan mapapamilya niya at sa industriya. Alam kong maraming nagmamahal sa kanya at malalagpasan niya lahat ng ito. Pero mas madali niyang mahaharap ang pagsubok na ito pag may kasama siya. Kaya naisip ko magpa-raffle ng mga gamit ko.
“Precious lahat ng ito para sa akin. Pero wala lang ito kumpara sa lahat ng nabigay na tulong sa akin ni Kuya Sherwin at nabigay niyang tulong sa mga tao. Kaya please tulungan niyo ako mag-work ito para matulungan natin si Sherwin at patuloy pa siyang makatulong sa kapwa niya,” sey ni John na nagdesisyong maging inactive sa showbiz dahil tinapos niya ang kanyang kursong Communication Arts sa University of Santo Tomas at naka-graduate siya noong 2018.
***
NAGSALITA na ang former Hollywood child star na si Abigail Breslin na naging biktima siya ng isang abusive relationship at dalawang taon siyang sinasaktan ng kanyang dating karelasyon.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, kinuwento ng 26-year old actress ang pagiging survivor niya ng domestic violence at sana ay may matutunan ang ibang nasa abusive relationship sa kanyang mga pinagdaanan.
“As a DV survivor I felt compelled to write a little but about my story. I was in a very abusive relationship for close to 2 years. It all started out perfectly, I was so in love.
“I was beaten on a regular basis, locked into rooms and forced to pretend everything was ok and normal while dealing with intense injuries…injuries most people didn’t even see.
“I felt so unworthy of anyones love. I felt ugly and hated. I felt like I deserved less than dirt. I was certain, there must be something WRONG with ME. That I was a b***h, a problem, stupid, useless, ridiculous, overly sensitive, unreasonable and unlovable.’
“I will forever be indebted to those closest to me for them not only assisting me but, BELIEVING me.
“I hope sharing a bit more about my story at least helps some people feel a little bit less alone. If you are in an abusive relationship currently, you CAN get out of it. I know it seems impossible and terrifying, but you have survived so much and you CAN survive leaving if you have the right tools and support.”
Nakilala si Breslin dahil sa 2009 film na Little Miss Sunshine kunsaan nakakuha siya ng Oscar nomination as best supporting actres bilang si Olive, ang batang pursigidong sumali sa isang beauty pageant.
Ang iba pang mga naging pelikula ni Breslin ay No Reservations, Nim’s Island, Definitely, Maybe, My Sister’s Keeper, Zombieland, The Call, August: Osage County, Maggie, Freak Show, Zombieland: Double Tap, New Year’s Eve and Stillwater. Nakasama rin siya sa horror-comedy series na Scream Queens.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Rider na armado ng baril, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela
KALABOSO ang isang rider nang mabisto ang dalang baril makaraang makipaghabulan sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa tinanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang mga tauhan ni Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban […]
-
Ads July 1, 2021
-
Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics
ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23. Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]