• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-diagnose ng ADHD, dyslexia, PTSD at bipolar: KELVIN, naabuso noong bata pa at hindi makalimutan

PASABOG ang rebelasyon ni Kelvin Miranda sa guesting niya sa ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga!

 

 

 

 

Dito ay inihayag ni Kelvin ang tungkol sa mental health niya.

 

 

 

 

Sinabi ni Kelvin na hindi niya dati inambisyon na maging artista pero sa murang edad ay pinasok niya ang showbiz dahil sa pinansiyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.

 

 

 

 

Kahit sa umpisa ay nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya bilang artista pero kalaunan ay nadama niya na baka makaapekto sa kanyang mental health ang pagiging celebrity.

 

 

 

 

“Ayoko rin siya minsan parang nakakasira siya sa mental health ko. Kasi sinabi rin na makakasama siya for me dahil sa disorder ko. Iyon din ang pinaka-ayaw ko once na na-trigger na ako, Nagkakaroon ng episodes,” pagtukoy ni Kelvin sa pagkaka-diagnose sa kanya ng pagkakaroon ng with bipolar I, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), mild dyslexia, at post traumatic stress disorder (PTSD).

 

 

 

 

Nagpakonsulta siya matapos makaramdam ng patterns of impulsive behavior, breakdowns at hirap na ihiwalay ang kanyang totoong pagkatao sa mga karakter niya sa harap ng kamera.

 

 

 

 

Nang tanungin ni Toni tungkol sa kanyang PTSD, iniman ni Kelvin na “Naabuso din kasi po ako noong bata ako. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan.”

 

 

 

 

Hindi na nagdetalye si Kevin tungkol dito at sa halip na magpokus sa sakit na nadarama ay hinarap niya ito, niyakap sa pamamagitan ng dasal, meditation, at pag-iwas sa social media kung saan alam niyang hindi siya makakaiwas sa kritisismo.

 

 

 

 

Aniya, “Kahit na anong ginawa mong mabuti, para sa kanila never ka naging mabuting tao. Kahit na marami ka rin sinakripisyo.

 

 

 

“Kasi parang nakikita lang ng tao yung mali, e. Hindi nila nakita yung kung paano ka naging mabuting tao para sa kanila.

 

 

 

 

“Kung ano yung ginawa mo para magawa mo yung bagay na iyon sa kabubuti nila. Hindi nila makikita, hindi nila ma-appreciate, e.

 

 

 

 

“Hindi ko sinasabi na ako yung pinakamabuting tao. Pero hindi ako masamang tao, alam ko po iyon,” matapang na pahayag ni Kelvin.

 

 

 

 

Sa kabila ng mga pangit na karanasan, sa paningin ni Kelvin ay ang mga ito ay bumuo at humubog sa kanya kung sino siya ngayon.

 

 

 

 

Naniniwala siya sa kahalagahan ng bukas at pagpapatuloy sa buhay at huwag mapako sa nakaraan.

 

 

 

 

Ayon nga sa kanya, ang motto niya na “Your present needs your presence,” ay sumasalamin sa kanyang pagkatao sa kasalukuyan.

 

 

 

 

Sa ngayon ay abala si Kelvin sa taping ng fantasy series na ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ ng GMA at palabas sa mga sinehan ang ‘Chances Are, You and I’ nila ni Kira Balinger.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Fuel Masters sumabit sa quarterfinals

    INANGKIN ng Phoenix ang huling silya sa quarterfinals matapos lusutan ang NorthPort, 101-98, sa kanilang knockout game sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Nagtulungan sina RR Garcia at Matthew Wright sa dulo ng final canto para ibigay sa Fuel Masters ang No. 8 ticket sa quarterfinals kaharap ang No. 1 […]

  • P764-M halaga ng mga bagong kagamitan, ibinida ng PNP

    PINANGUNAHAN ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang blessing ceremony para sa mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP).       Asahan na rin na mas mapapalakas pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang capabilities dahil sa mga bago nilang kagamitan.     Tinatayang nasa P764 Million ang halaga ng mga […]

  • BIYAHENG PANDAGAT SA LEGAZPI, SINUSPINDE

    SINUSPINDE pansamantala ang lahat ng mga biyahe ng sasakyang pandagat  na may rutang  Baseport Legazpi patungong  Rapu-Rapu, Albay.     Ayon sa pamunuan ng  Philippine Ports Authority (PPA), simula alas -5 ng umaga ngayong araw, ika-16 ng Pebrero 2023 ay Hindi muna pinayagang maglayag ang mg sasakyang pandagat.     Ang pagsuspinde ay bunsod ng […]