• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96

BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.  

 

 

Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August.

 

 

Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner na may cervical dystonia.

 

 

Second episode ay “Epal Dreamboy: The Richard Licop Story” sa August 12. Story ng isang influencer na kinondena dahil sa mga pinu-post nito sa social media.

 

 

Pangatlo ang “The Lost Boy” on August 19 na tungkol sa pagmanipula sa isang lalake ng mismong mga kamag-anak niya.

 

 

At ang pang-apat ay “Sa Puso’t Isipan” on August 26 na tungkol sa mental health illness.

 

 

“It’s very challenging kasi contrast sila sa isa’t isa. Walang similarites ‘yung mga roles. I think as an actor, I’m looking for something that’s not the usual.

 

 

“Marami na rin po akong nagawang mga projects and siyempre doon tayo sa laging nare-reinvent ‘yung point of view ko pagdating po sa trabaho ko bilang aktor,” sey ni Alden na host din ng ‘Battle of the Judges’.

 

 

***

 

 

MARAMING ‘firsts’ ang hindi dapat palagpasin sa pelikulang ‘The Cheating Game’ nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

 

 

Ang ‘The Cheating Game’ ay ang first-ever film offering ng GMA Public Affairs under GMA Pictures. Dahil una, tiyak na napaghandaan at big time ang pelikula — mula sa highly-talented cast at creative team hanggang sa malaking production na siguradong hindi magbibigo sa viewers.

 

 

First time ring magsasama sa isang pelikula nina Julie at Rayver. For sure, todo ang excitement ng kanilang fans dahil nasanay sila na sa performances, concerts, at hosting lang nagkakatrabaho ang dalawa.

 

 

Bagong personalidad at imahe rin ang masisilayan kay Julie sa pagganap niya rito. First time niyang maging bida ng isang romance drama film kaya nakaka-excite malaman ano pa ang kaya niyang ipakita pagdating sa pag-arte.

 

 

Ano pa nga ba ang ibang ‘firsts’ na dapat abangan? Maging una sa panonood ng much-awaited film this 2023. Showing na ang ‘The Cheating Game’ simula July 26 sa mga sinehan nationwide.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang legendary master pop vocalist na si Tony Bennett sa edad na 96.

 

 

Na-diagnose si Bennett with Alzheimer’s disease noong 2016, pero nakapagtrabaho pa siya hanggang 2021.

 

 

Tinawag si Bennett na “the greatest popular singer in the world” ng makasabayan niya na si Frank Sinatra. Nakilala si Bennett sa signature 1962 hit song niya na “I Left My Heart in San Francisco.”

 

 

Inawit din niya ang mga classic songs na “Fly Me To The Moon”, “The Way You Look Tonight”, “The Good Life”, “I Got You Under My Skin”, “For Once In My Life”, “The Lady Is A Tramp”, “Shadow Of Your Smile” at marami pang iba.

 

 

Nagawa rin ni Bennett na maka-duet ang mga contemporary singers ng bagong milenyo tulad nila Amy Winehouse, Diana Krull at Lady Gaga.

 

 

Sa 80 years ni Bennett bilang singer, nanalo siya ng 18 Grammy Awards, 2 Emmy Awards and a Recording Academy Lifetime Achievement Award in 2001. Naging Kennedy Center Honoree in 2005 and a National Endowment for the Arts Jazz Master in 2006.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Aliw na aliw ang mga netizens sa kulitan nila ni Sylvia: ICE, inakalang namatay dahil sa black and white photo sa IG

    DAHIL sa in-upload na black and white photo ni Ice Dino Seguerra sa kanyang Instagram account, napagtanto niya ngayon na, “ang hirap pala mag-post ng black and white photo sa IG, may phobia na ang mga tao.”   Ito ang nilagay na caption ni Ice sa kanyang FB post na kung saan ginawa rin niyang […]

  • Ads February 29, 2024

  • Latest update sa isyu ng Covid -19, pinag-usapan ng ilang miyembro ng gabinete ni PDu30

    TINALAKAY ngayon ng ilang miyembro ng gabinete ang latest update ukol sa usapin ng COVID-19.   Kabilang sa mga napag-usapan ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng hazard pay ng healthcare workers.   Inaasahan naman na maide-deliver ang dalawang milyong bakuna ngayong Abril 2021 kung saan ang 1.5-M ay manggagaling mula sa Sinovac.   […]