• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-excite ang fans na bida sa drama-action series: MIGUEL, handa na sa matinding training na tulad ng ginawa ni RURU

NA-EXCITE ang fans ni Sparkle actor Miguel Tanfelix dahil nabigyan na ito ng pagkakataon na magbida sa sarili niyang drama-action series na ‘Mga Batang Riles.’

 

 

 

Makakasama rito ni Miguel ay sina Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

 

 

 

Unang nagbida si Miguel sa teleserye na ‘Niño’ noong 2014. Huling siyang napanood sa ‘Voltes V: Legacy’ at kasalukuyang nasa season 2 ng ‘Running Man Philippines.’

 

 

Nag-training na raw sa martial arts at street fighting si Miguel noong ginagawa nila ang VVL. Handa raw siya sa mas matinding training tulad ng kay Ruru Madrid.

 

 

Hilig din ng former StarStruck Kids runner-up ang sports name basketball, wakeboarding at motorcross racing.

 

 

Nasa cast din ng MBR sina Bruce Roeland, Desiree del Valle, Jay Manalo, Zephanie, Eva Darren, Diana Zubiri, at Ronnie Ricketts.

 

 

***

 

 

BALIK sa paggawa ng teleserye si Rabiya Mateo at may guest role siya sa epic-serye ng GMA na ‘Pulang Araw’.

 

 

Ayon sa former Miss Universe Philippines, naging busy siya sa ilang hosting jobs, pero na-miss daw niya ang umarte.

 

 

“I’m still doing workshop, para ma-allow ko rin ‘yung sarili ko to different acting range kasi isa siguro sa pinakamahirap bilang aktres is that to put yourself talaga sa character and alisin lahat ng identity ko bilang Rabiya, bilang isang beauty queen na it’s far different talaga sa pagiging artista.

 

 

“I have a special participation sa Pulang Araw at nakaka-proud talaga na bilang isang Pilipino na ‘yung teleseryeng ito, ibabalik tayo sa 1940s para makita natin, masaksihan natin ang history ng Pilipinas,” sey ni Rabiya na huling napanood sa revenge drama na Makiling.

 

 

***

 

 

NAKAKUHA ng pinakamaraming nominations sa 76th annual Primetime Emmy Awards ang comedy series na The Bear at ang drama series na Shōgun.

 

 

May 23 nominations ang The Bear at 25 naman ang Shōgun. Umani rin ng multiple nominations ang shows na Only Murders in the Building (21); True Detective: Night Countr (19) and The Crown (18).

 

 

By network, ang Netflix ang namayagpag with 107 nominations this year, followed by FX with 93 and HBO with 91.

 

 

Magaganap ang awards night on September 15at the Peacock Theater in Los Angeles, California.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Hirit ng teacher’s group: Kakulangan sa silid-aralan, tugunan

    NANAWAGAN ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa. Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, dapat na paglaanan ng pamahalaan ng mas malaking pondo ang sektor ng edukasyon. Binigyang-diin ni Quetua na malaki naman ang pondo para sa ‘Build Better More infrastructure […]

  • PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO

    HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt  o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan.     Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’  ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing .     “Di po tayo magdidikta at […]

  • 4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK

    KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.     Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, […]