Na-grant ang request na makipag-divorce kay KANYE WEST: Reality TV star na si KIM KARDASHIAN, officially single na
- Published on March 5, 2022
- by @peoplesbalita
WALA pa raw sa isipan ni Rhian Ramos ang magpakasal kahit na marami na sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, ay mga nag-asawa na at may mga sarili ng pamilya.
Sey ng bida ng Artikulo 247, na marami pa raw siyang gustong gawin at ma-achieve kaya never daw naging priority ang mag-settle down. Ang ideal marrying age daw niya ay 35.
“Some people think that’s late, some think that’s perfect and that’s normal. For me, ang dami ko pang gustong gawin and ma-achieve on my own kaya siguro never ko siya naging priority or dream,” sey ng 31-year old Kapuso star.
Minsan daw ay iniisip din niya kung meron bang lalake na magpo-propose sa kanya someday? Kung mangyari man iyon o hindi, tanggap daw iyon ng aktres.
“I’d be grateful for something like that to happen kung ‘yon yung gusto ni God para sa’kin, but whether or not it happens is also okay lang with me. Tuloy lang ang buhay, ‘di ba?” diin ni Rhian.
Two years na raw ang nakaraan noong makipaghiwalay si Rhian sa dating boyfriend na si Amit Borsok. Nangyari raw iyon during the pandemic. Kaya nasanay na raw na maging single ang aktres dahil maging abala siya sa lock-on taping ng Artikulo 247.
Pero ang balitang nali-link si Rhian sa businessman na si Sam Verzosa ay wala pang kumpirmasyon mula sa aktres.
***
OFFICIALLY single na ang reality TV star na si Kim Kardashian.
Ayon sa report ng TMZ, na-grant na ng Los Angeles Superior Court judge ang request to end her marriage to Kanye West.
“Kim was on a video call for Wednesday’s (March 2) court hearing. Her lawyer, Laura Wasser was in court and Kanye was absent. Kanye’s lawyer did not object to restoring Kim’s single status, although his lawyer said he had 3 conditions.
“Number one, any right to get reimbursement of money that’s supposed to be divided up will be preserved in case either of them dies—the judge granted that condition.
“There were 2 other conditions the judge rejected: That Kim would not transfer any assets she had in trust, and if Kim remarries she would waive the “marital privilege. That privilege means a new spouse would not have to testify about communications he had with her. The judge said no to that.”
Sinagot ni Kim ang ilang katanungan tulad ng “Are there problems in your relationship?” and “Do you think your marriage can be saved with counseling?”
Kim answered “yes” to the first and “no” to the other.
Kinasal sina Kim and Kanye noong May 14, 2014 at Forte di Belvedere in Florence, Italy. They have four kids: North (8), Saint (6), Chicago (4), and Psalm (2).
(RUEL J. MENDOZA)
-
Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes
HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes. Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan. Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum […]
-
Gumamit ng teknolohiya para labanan ang krimen, magsilbi sa mga Filipino
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 223 bagong uniformed personnel sa ilalim ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa paglaban sa krimen at pagsisilbi sa mga mamamayang Filipino. “Most of you were born when the internet was no longer in its infancy, and you […]
-
LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups
ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare. Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]