• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na-hack ba ito o sadyang dinilete: LIZA, wala pang statement sa kung ano talaga ang nangyari sa IG account

NAGBIGAY ng patikim ang limang actors ng stage play na “DickTalk” nang mag-perform ito sa Dengcar Theater ng Mowelfund with some media and show buyers, pero opening pa lang, pasabog na agad ang lima.

 

 

Although, dahil sobrang lapit ng stage sa audience, si Gold Aceron pa lang ang totoong nagpatikim ng pasabog.

 

 

 

Aba, naghubad itong talaga habang nagma-masturbate. Inaming plaster lang daw talaga ang ipinangtakip sa kanyang dick. 

 

 

 

So far, 10 days ang siguradong run nito sa RCBC Theater simula April 15 hanggang April 23 kaya ngayon pa lang, bumili na ng ticket para hindi ma-miss ang matapang na play na ito na ang pag-uusapan ay ang isang taboo sa karamihan na banggitin man lang na parte ng katawan ng lalaki.

 

 

 

Pero ang pasabog, mukhang hindi lang si Gold ang gagawa nito sa mismong play. Mukhang lahat naman sila ay game! 

 

 

 

Sabi nga ni Jake Cuenca na alam naman ng lahat na game at all-out din basta tawag ng “arts,” kung magpu-full monty rin ba, “I have the freedom to do it if I want to, so tingnan natin. Tingnan natin kung ano ang maramdaman natin on that day.”

 

 

 

Sabi rin niya, “Siyempre, for me lang, the main reason that I went back to theater is for the acting. I want to showcase na iba ko sa teatro, iba ko sa pelikula at iba ko sa TV. That’s my main purpose for being here.”

 

 

 

Bukod kina Jake at Gold, pasabog din si Mikoy Morales na marami ang nagkagusto sa performance nito. Gayundin ang transman na si Nil Nodalo at ang veteran character actor na si Archie Adamos.

 

 

 

Ang ‘DickTalk’ ay produced ng V-Roll Media Ventures ni Direk Eboy Vinarao at sa direksiyon ni Phil Noble.

 

 

 

***

 

 

 

ANO nga ba nangyari sa Instagram account ni Liza Soberano? Na-hack nga ba?

 

 

 

Hanggang ngayon kasi, dedma o tahimik pa rin ito at hindi nagbibigay ng kahit anong statement.

 

 

 

Isang malaking palaisipan ngayon, lalo na sa 17.6 million followers ni Liza Soberano kung ano ang nangyari sa kanyang Instagram account.

 

 

 

Na-hack ba ito o sadyang dinilete niya lahat ng mga Instagram post niya, ini-unfollow lahat ng following niya at pati profile photo niya ay wala na rin.  Ang bukod tanging makikita sa kanyang IG na @lizasoberano ay ang 17.6 million followers niya.

 

 

 

Siyempre, worried, lalo na ang mga fan ni Liza. Kasalukuyang nasa U.S. si Liza at as of this writing, wala pa itong any statement sa kung ano talaga ang nangyari sa kanyang IG na hindi biro ang dami ng following. 

 

 

 

May mabilis agad ang kaisipan na iniisip kung may pinagdadaanan daw kaya ang actress?

 

 

 

Sa Twitter, marami ang nagtatanong kung ano nga ang nangyari. Pero may isa kaming nabasang tweet na Twitter account ng isang fan niya at sinasabi na na-hack nga raw.

 

 

 

Tweet nito, “apparently, miss Liza Soberano’s Instagram account was hacked. i hope the team is working and they can recover it : (( whoever did this, you deserve to rot miserably. and i meant no jail, but hell.”

 

***

 

 

 

BINA-BASH ng husto si JK Labajo dahil sa pagiging honest niya nang tanungin siya kung papaya siyang mai-direk ni Darryl Yap. Kung ang social media ay actual, as in, nakuyog na ang bida ng pelikulang “Ako Si Ninoy.”

 

 

 

Although, sa interview pa lang, may ideya na kaming mababash ito dahil sa naging sagot niya na, “Definitely, I don’t want to be directed by Darryl Yap.”

 

 

 

Kung ano-ano na ang binato sa kanya. Nandiyang sino raw siya? Kilala ba siya? Flop, mayabang at marami pang-iba.

 

 

 

Given na ngayon sa Pilipinas, kahit tapos na ang election, nahahati pa rin sa dalawang grupo ang mga Pinoy.  At basta hindi pabor sa director, ekis o attack na talaga ang mangyayari.

 

 

 

Hindi ba pwedeng nagpapaka-totoo lang si JK? Gano’n naman, may choice ang director na mamili ng artista niya. May choice rin naman ang artista kung gusto o ayaw niya ang director.

 

 

 

Sa isang banda, showing na ngayon ang “Ako Si Ninoy’ na sinulat at dinirek ni Vince Tañada na sana nga, suportahan ng karamihan dahil kung may maganda man sa musical movie na ito, wala itong sinisiraan, wala itong inaaway at sa tingin namin, walang disinformation.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • IPAPATAYONG COMELEC BUILDING, HINDI LUHO

    IDINEPENSA ng Comelec Chief  na hindi luho kundi necessity ang gusali ng Comelec na ipinapatayo.     “Hindi naman po ito luho itong pagpapagawa ng building. Ito po ay talagang necessity. Kailangang kailangan lang po talaga”,  ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa mahigit dalawang hektaryang site kung saan itatayo ang 9 storey building ng […]

  • Kapalaran ni Obiena sa SEA Games di pa tiyak – POC

    Hinihintay pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng World Athletics para mapayagang makasali si Pinoy pole vaulter EJ Obiena.     Dagdag pa nito na wala sanang pagdaranan na mahabang proseso si Obiena sa pagsali sa nasabing biennial event kung pinayagan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) […]

  • SOLUSYON SA PANDEMYA, GUSTONG MARINIG NG SIMBAHAN SA SONA

    UMAASA na may ginawa o gagawin at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Manila Apostolic  Bishop Broderik Pabillo na  ito ang pangunahing suliranin ng bansa […]