• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NA-INFECT SA PNR, UMABOT SA 120

HINDI  bababa sa 120 na ang na-infect ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan sa Metro Manila, ayon sa pamunuan ng Philippine National Railways (PNR).

 

Ayon kay PNR Spokepserson Joseline Geronimo, naitala ang naturang bilang nang simulant ang COVID-19 testing  sa mga empleyado ng PNR batay na rin sa kaustusan  ni PNR General Manager Junn Magno.

 

Target naman aniyang maisalang sa swab test ang 1,000 nilang mga empleyado sa Metro Manila.

 

Ani Geronimo, nasa higit 1,000 ang mga kawani ng PNR sa Kalakhang Maynila at target na ma-swab test ang lahat ng mga ito.

 

Sinabi ni Geronimo na  pawang mga asymptomatic naman ang  mga nagpositibo nilang mga kawani sa COVID-19 at sinusundo sila para dalhin sa pasilidad o maisailalim sa quarantine sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

 

Tiniyak naman ng pamunuan ng PNR na ginagawa nila ang lahat para maprotektahan ang kanilang mga empleyado laban sa COVID-19 tulad ng isinasagawang swab testing.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • “No walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites – Usec. Malaya

    NAGKAISA ang mga Alkalde ng Kalakhang Maynila na magpatupad ng “no walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites habang nasa ilalim ang rehiyon sa two-week lockdown para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang Delta variant.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Interior Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang pinakahuling polisiya ay napagkasunduan ng […]

  • Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque

    NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.     “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang por­syentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]

  • ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA) PINARANGALAN ANG QC

    PINARANGALAN ng Anti Red Tape Authority o ARTA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sabay sa ika-limang anibersaryo ng ahensya.     Layon ng Accelerating Reforms for Improved Service and Efficiency Awards (ARISE) na kilalanin ang mga natatanging local government units sa kanilang pagpapatupad ng Ease of Doing Business Law.   Isa ang Quezon City […]