Na-miss dahil matagal na ‘di nakabalik sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, teary-eyed nang yakapin isa-isa ang mga Dabarkads
- Published on March 13, 2023
- by @peoplesbalita
NANGUNA sa Philippine Trends ang #ALDENBackOnEB ang pagbabalik ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa number one at longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”
Inamin ni Alden na medyo naging teary-eyed siya nang yakapin niya isa-isa ang mga co-hosts, nang pumasok siya sa dressing room ng APT Studio.
“Medyo matagal akong hindi nakabalik at na-miss ko silang lahat. Naramdaman ko iyong tagal din ng panahon na hindi ko sila nakasama dahil nagkasunud-sunod ang mga commitments ko here and abroad. Now, I’m back Dabarkads.”
Isa nga raw sa gustong balikan ni Alden ay ang pagpunta nila noon sa barangay, kaya isinama siya nina Jose Manalo at Wally Bayola sa malapit lamang sa APT Studio na ikinagulat ng mga nilapitan nilang binigyan ng ayuda, isa na rito ang gulat na gulat na yaya na in-interbyu ni Alden, na bibili daw lamang siya ng pagkain, pero nakatanggap na siya ng biyaya.
Biro tuloy ni Jose, lapitin daw talaga ng Yaya si Alden! Gets?
***
NAGSIMULA nang mapanoodang “Hearts On Ice” na first team-up nina Ashley Ortega at Xian Lim.
Hindi pa nag-appear si Ashley as the figure skater na si Ponggay, pero marami nang humahanga sa husay niya sa ice skating sa trailer na kitang-kitang isa siya talagang figure skater in real life.
Naibahagi nga ni Ashley na hindi siya gumagamit ng double sa mga eksena.
“Medyo po mahirap sa simula, dahil may kapansanan ang left leg ni Ponggay sa story, kaya normal lang na makita akong sumemplang sa eksena at makita ng audience ang struggles ng isang athlete na may kapansanan.
“So, kapag sumemplang, pag-aaralan din namin how we get up and do it again,” paliwanag ni Ashley. “Kaya kahit ilang beses madapa, babangon pa rin hanggang makamit niya ang pangarap niya.”
Meanwhile, labis ang pasasalamat ni Ashley na pumayag mag-guest sa serye si Michael Christian Martinez, ang Asian Figure Skating champion at two-time Olympic figure skater,
“Natuwa po ako nang malaman kong pumayag si Michael mag-guest, Sabay po kasi kami noong nagti-training kapag may competition kaming sinasalihan. Salamat din kay Skye Chua, a professional figure skater and member of the Philippine national figure skating team.
“Isa na rin siyang Sparkle GMA Artist ngayon at isa siya sa bumu-bully sa akin sa story kapag nadadapa ako.”
***
PAGSASABAYIN na yata ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang showbiz at pagma-manage nila ng husband niyang si David Rainey ng kanilang Casa Galura sa Baler, Quezon.
Very soon ay mapapanood na muli si Glaiza sA “Seed of Love.” Pero ngayon ay binuksan nga muna nila ni David ang Casa Galura, na ang intensiyon nila ay magkaroon ng chance ang mga pamilya, magkakaibigan, magkakatrabaho, na gumawa ng masasayang alaala na babalik-balikan nila. Pagbibigay-pugay din daw nila iyon sa kanilang lolo at lola na napangakuan nila noon na bibigyan nila ng bahay na may swimming pool.
IG caption ni Glaiza: “Lolo at lola, sorry na na-delay yung promise namin sa inyo na bahay na may swimming pool. Pero eto na siya, malamang nakikita na rin ninyo. Para sa inyo po ito.”
Bukod sa Casa Galura, binuksan na rin nila ang Brewbox Baler, para sa mga gustong bumisita lamang sa lugar at magkape. Madali raw lamang silang ma-contact for booking sa pamamagitan ng waze at google maps.
(NORA V. CALDERON)
-
Ihahatid ang pinaka-nakakikilabot na content sa vlog: Sen. IMEE, tatalakayin ang mga tradisyunal na pamahiing Pinoy tuwing ‘Araw ng mga Patay’
ISANG nakatatakot na Halloween long weekend ang hatid ni Sen. Imee Marcos sa kanyang official YouTube channel dahil bibigyan niya ang kanyang online Imeenatics ng pinaka-nakakikilabot na content to date. Ngayong Oktubre 28 (Biyernes), sa kanyang vlog entry na pinamagatang ‘Pammati ti Ilokano’, makakasama ng Senadora ang isa sa mga paborito niyang partner sa […]
-
Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB
BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko. Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, […]
-
JASON, nagsisisi na sa pagboto kay Pangulong RODRIGO DUTERTE at humingi ng patawad sa sambayanan
NAGSISISI si Jason Abalos sa pagboto kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinahayag niya ito sa kanyang Twitter account kasabay ng paghingi ng patawad sa sambayanan. “Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” ang tweet ni Jason. […]