NA-RAPE NA OFW SA KUWAIT, NANALO SA KASO, NAKAUWI NA
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAUWI na rin sa Pilipinas ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) matapos manalo sa kasong rape laban sa mga otoridad ng Kuwaiti na nanggahasa sa kanya , walong taon na ang nakalilipas.
Nakasama na rin ni Marites Torijano ang kanyang pamilya sa PIlipina matapos ang kanyang pananatili ng walong taon sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center habang hinihintay ang desisyon sa kanyang reklamo
Pinuri naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Philippine Embassy sa Kuwait para sa matagumpay na pagpanalo sa kaso ni Torijano at ang pagpapauwi s akanya pabalik ng bansa.
Ayon naman kay Labor Attaché Nasser Mustafa ,si Torijano ay na-repatriate sa pamamagitan ng Kuwait Airways.
Si Torijano ayon kay Mustafa ay dineploy dsa Kuwait ng Zontar Manpower Services Inc. bilang domestic helper noong September 2006 pero inilipat ng trabaho sa isang dress shop sa Farwaniya.
Habang ang kanyang residence visa ay “for renewal” ng kanyang employer, siya ay nahuli ng isang pulisya ng Kuwaiti noong September 2012.
Sa halip na dalhin ito sa police station ay dinala ito sa madilim na disyerto sa South Surra kung saan siya ginahasa sa loob ng police patrol car at sinaksak sa leeg at likod.
Nagawa namang gumapang ni Torijano sa gilid ng kalsada kung saan siya nakita ng dumaraang sasakyan at nagdala sa kanya sa Mubarak Hospital.
Kasunod ng dalawang taong paglilitiis nasentensyahan ang pulis Kuwaiti ng kamatayan noong June 2014 ng Court of First Instance pero nabago ng habambuhay na pagkakabilanggo ng Court of Appeals matapos umapel ang legal counsel ng pulis.
Binayaran naman si Torijano ng P3 milyon civil damages sa pamamagitan ng kinatawan ng Philippine Embassy at Kuwaiti human rights lawyer na si Sheika Fawzia Salem Al-Sabah. (GENE ADSUARA)
-
MMDA, binasura ang expanded number coding plan sa gitna ng oil price hike
PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA) walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Sinabi ni MMDA Chairman Rolando Artes na habang ang mga sasakyan sa EDSA ay […]
-
Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto
Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro. Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]
-
Ex-Gilas Pilipinas player Matt Nieto pumirma ng 3-taon na kontrata sa NLEX
NAKUHA na ng NLEX Road Warriors si dating Gilas Pilipinas player Matt Nieto. Ayon sa NLEX mayroong tatlong taon na kontrata ito sa nasabing koponan. Isinagawa ang pagkuha nila kay Nieto matapos na kunin ng Rain or Shine Elasto Painters ang kambal nito na si Mike. Magugunitang pinakawalan na […]