Na-trauma nang bahain ang kuwarto sa basement: ANJO, naramdaman ang sobrang pagmamahal ng mga co-host sa ‘Unang Hirit’
- Published on December 17, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIRAP ang obligasyon ng isa sa pinakabago sa ‘Unang Hirit’, ang guwapong weather reporter na si Anjo Pertierra.
Inatang sa kanyan na maghatid ng lagay ng panahon sa publiko na siyang pinagbabasehan ng karamihan sa mga aktibidades ng bawat isa sa atin.
Kaya tinanong namin si Anjo kung paano niya nagagawang mas madali o mas simpleng maintindihan ng mga tao ang kanyang weather report?
“Dati nung nanonood ako ng weather, idol ko po si Man Tani talaga,” pagtukoy ni Anjo sa dating resident weather reporter ng GMA, ang meteorologist na si Nathaniel Cruz.
Pagpapatuloy niya, “Pero ang napansin ko kasi dati, yung may mga words na malalim e, mga matalinhaga.
“So ngayon ang atake ho namin ngayon yung maiintindihan ng lahat.
“So parang… in layman’s term. So mga simpleng salita pero direct to the point. At iyon po yung nilalaman ng reports ng PAGASA, nire-relay lang po namin para po updated yung mga Kapuso natin all these times mas lalo na sa mga pagkakataong kunyari may bagyo…
“Kasi hindi po simpleng uulan lang o maaraw ba, iba-iba po iyong epekto ng klima depende po sa lugar dito sa ating bansa.
“Kasi sa atin, maaari dito sa Metro Manila ulan lang pero sa ibang bahagi ng bansa, mas lalo na po sa extreme Northern Luzon e binabaha na po sila nang sobra.
“Kaya iyon po, ang ginagawa namin in layman’s term, direct to the point para po madaling ma-adapt or maintindihan ng tao.”
Speaking of bagyo, isa si Anjo sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Carina; lumubog sa tubig-baha ang buong kuwarto niya na nasa basement.
Kumusta na ang kuwarto niya?
“Lumipat na po ako kasi na-trauma po ako,” bulalas ni Anjo.
“Ang nangyari dun napuno yung kuwarto ko po pa-basement so pababa.
“So imagine-in niyo po napuno siya hanggang ceiling. So nandun lahat ng damit ko, pampasok, lahat, sapatos, gamit, lahat kasi nandun, kama.”
Pero sa kabila noon, kinabukasan ay pumasok pa rin daw siya sa ‘Unang Hirit.’
“Binigyan ako ng damit ni Sir Ivan, binigyan ako ng assistance ni mommy Su, ni Igan, ng production pong Unang Hirit, binigyan po ako ng pambili ng brief ni Shaira tsaka ni EA.
“As in lahat po [nagbigay].
“Doon ko po naramdaman na sobrang mahal po nila ako kasi sa simpleng mga bagay naramdaman ko po na may kasama po ako at may katuwang po ako sa hirap at ginhawa ng buhay.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’
ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online. Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online […]
-
Mapapanood na Viva One sa 80 countries: AKIHIRO at MARY JOY, nagpakilig at nagpaiyak sa ’The Last 12 Days’
TUWANG-TUWA at nagpapasalamat ang owner ng Blade Auto Center na si Robert S. Tan sa matagumpay na world premiere ng ’The Last 12 Days’ na ginanap sa Cinema 1 ng Ayala Malls Manila Bay. Showing na nga ito sa 80 countries sa pamamagitan ng Viva One. Sa kanyang FB post […]
-
Mayor Jeannie, namahagi ng tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng Bagyong Kristine
BINISITA ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers upang mamahagi ng tulong na pagkain at food packs sa mga pamilya na naapektuhan ng pananalasa ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine. “Mayroon na naman po kinakaharap na bagyo hindi lang ang mga lungsod sa Metro Manila, kasama ang […]