Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao.
Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor.
“My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her in so much pain was the scariest moment of my life. My mom is a strong woman, so it was difficult to see her screaming and crying due to the pain,” post ni Derek sa social media.
Thankful si Derek na mabilis na naka-recover ang kanyang ina sa pinagdaanan nitong surgery. Kaya ngayon ay todo ang pag-alaga nito sa ina.
“The day after, my mom had her surgery, and it was a successful one. Thank you to all the doctors and nurses who took care of her. Thank you, guys, for all your prayers and well wishes. Thank you, Lord, for answering all our prayers! Mom is back to putting on her own makeup, which is definitely a good sign!!” post pa niya.
Noong 2011 ay sumailalim sa surgery si Derek dahil nabalian din siya ng braso dahil sa sinalihan na frisbee tournament.
***
MAGSASAMA sa isang musical film ang mga Sparkle stars na sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Rhian Ramos. May titulo ito na ‘Sinagtala’ at si Sigrid Bernardo ang direktor.
May official Instagram account ang Sinagtala at sa pinost na reel, makikita ang rehearsal ng buong cast.
May kanya-kanya rin silang pinapatugtog na musical instruments. Si Rhian ay nagda-drums, sina Glaiza at Matt ay nasa guitars at si Rayver ang lead vocalist.
Kasama rin sa cast si Arci Muñoz na mahusay maggitara. Lead vocalist si Arci ng kanyang sariling rock band na Philia.
Kuwento ng isang pamosong college band na biglang nag-reunite ang Sinagtala.
***
MALUNGKOT ang comedian at talkshow host na si Rosie O’Donnell dahil sa pagkakaaresto ng kanyang 27-year old adopted daughter na si Chelsea Belle O’Donnell.
Inaresto sa Wisconsin si Chelsea at sinampahan ng kasong felony child neglect and drug possession.
Post ni Rosie on IG: “Sadly this is not new for our family – chelsea has struggled with drug addiction for a decade – we r all hopeful she will find her way out of this deadly disease #💔#love#alanon 10.19.24.”
Sa Oconto County Jail naka-detain si Chelsea last October 11. Ang mga kaso niya ay neglecting a child, possession of methamphetamine, maintaining a drug-trafficking place, possession of THC, drug paraphernalia and illegally obtained prescription drugs, disorderly conduct, possession of meth, possession of narcotic drugs, jumping bail, resisting/obstructing an officer, and possession of drug paraphernalia.
Haharap si Chelsea sa korte on November 4.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH
Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan. Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna. Ayon kay Vergeire, mayroon talagang […]
-
Babae binastos ng manyak, nilamas ang dibdib sa bus
Pinatunayan ng video na kuha ng isang netizen na kahit anong suot ng isang babae ay hindi ito ligtas sa mga manyak na naglipana sa mga public vehicle. Sa tweet ni @tabanats, ipinakita nito ang panghihipo ng isang lalaking nakatabi niya sa bus habang binabagtas ang kalsada sa Pala-Pala, Dasmariñas, Cavite. Papunta ng […]
-
Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit
LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod. Ang kasunduan para sa integration ay nilagdaan […]