• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.

 

 

Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.

 

 

Ayon kay Vergeire, mayroon talagang mga tao na ayaw magpaturok sa mismong araw kung kailan sila babakunahan.

 

 

Sinabi ni Vergeire na tinatawag nila ang mga ito na “deferrals”.

 

 

“So mayroon hong iba’t ibang klaseng deferrals, ang isa diyan ito pong refusing ‘no, refusing on the day of vaccination itself,” ani Vergeire.

 

 

Hindi aniya pinipilit ang mga deferrals dahil boluntaryo naman ang pagpapabakuna.

 

 

Sa kabila nito, kinakausap pa rin aniya ng mga counselors ang mga tumatanggi sa bakuna at pinagpapaliwanagan upang makumbinsing magpaturok.

 

 

Matatandaan na nagpahayag ng pagkairita si Duterte sa mga ayaw magpabakuna na posibleng aniyang maging dahilan nang pagkahawa ng iba sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Sanya, tanggap na tanggap ni Marian bilang kapalit sa ‘First Yaya’

    WALANG problema kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera kung sino ang ipinalit sa kanya bilang katambal ni Gabby Concepcion sa una sana nilang team-up sa Kapuso rom-com series na First Yaya, dahil siya naman ang kusang nag-beg-off. Ginawa niya iyon dahil hindi nga niya kayang iwanan ang mga anak para lamang magtrabaho, lalo na sa […]

  • 5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL

    ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]

  • Tumatalakay sa mental health at suicide… Direk NJEL, maghahatid ng napapanahong pelikula na ‘Must Give Us Pause’

    ISANG napapanahon na pelikula ang hatid ng award-winning writer-director na si Njel de Mesa, ang “Must Give Us Pause,” na tungkol sa mga taong nawalan ng minamahal sa buhay nung pandemya at hindi man maayos na makapagpaalam.     Ang “Must Give Us Pause” na idinirehe, isinulat, at prinodyus ni Direk Njel na ang mga […]