• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naapektuhan sa pandemiya, exempted sa pagbibigay ng 13th month

MAARING exempted sa pagbabayad ng 13th month ang mga kumpanya at business establishment na kabilang sa lubhang naapektuhan ng pandemya o mga tinuturing na “distressed company”.

 

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing, na ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa ng mga kumpanya at establisyimento ay excepted ngunit kailangan tukuyin muna ang batayan upang mauri ang isang kumpanya o isang negosyo bilang ‘distressed’.

 

Kailangan din aniyang patunayan ng kumpanya o bussiness establishment na ito ay distressed bago makakuha ng exemption.

 

Tutukoyin naman ng DOLE at iba pang concerned agencies ang mga kumpanya at business establishment na nauri bilang ‘distressed’ o malubhang naapektuhan bunsod ng pandemya.

 

“It will be the subject of tripartite consultation. We will define the meaning of distressed,” anang kalihim.

 

Sa halip aniyang ideklarang distressed , ang labor at management ay magdadayalogo upang talakayin ang pagsasaayos sa pagbabayad ng mga benepisyo kung saan maari munang i-delay.

 

Paliwanag ng kalihim, mahirap ang sitwasyon ngayon kaya baka pupuwedeng ang pagbabayad ng 13th month ay sa susunod a taon na lamang o sa susunod na buwan pero hindi sa ngayon. (Gene Adsuara)

Other News
  • 7-araw na tigil pasada, ikinakasa ng ilang transport group

    IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.     Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public […]

  • Pacman, nanumpa bilang miyembro Multi-Sector Advisory Board ng ng Ph Army

    Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army (PA) si Senator Manny Pacquiao.   Si Lt Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang nanguna sa event kasama sina M/Gen. Reynaldo Aquino, PA Vice commander, at Lt. Col. Roy Onggao, Army Chief Chaplain.   Nagbigay ng kanyang mensahe ang […]

  • Spurs sunog sa Heat

    KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs.     Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37).     May 27 points din si Jimmy Butler […]