• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naayos na ang sitwasyon after 15 years: YASSER, inaming nagalit sa amang Portuguese dahil iniwan sila

 

MAKALIPAS ang labinlimang taon, maayos na ang sitwasyon sa pagitan nina Yasser Marta at ama niyang Portuguese.

 

 

Ayon sa kuwento mismo sa amin ni Yasser…

 

 

“Sa totoo lang, galit ako sa tatay ko e, kasi nung bata kami parang iniwan niya kami, ganun.

 

 

“Pero after almost fifteen years, umuwi siya last week dito sa ‘Pinas.

 

 

“So halu-halong emosyon, pero happy naman at nagkasama na ulit yung pamilya.”

 

 

Last week ng Hulyo nagtungo sa Pilipinas ang tatay ni Yasser, at second week ng Agosto bumalik sa abroad.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Yasser, “So, medyo madaming emosyon e, hindi pa nagsi-sink in sa akin, pero happy at least nagkita na, nakapag-usap na yung pamilya.”

 

 

Thirteen years old si Yasser noong nagkahiwalay sila ng ama niya.

 

 

Sa Riyadh, Saudi Arabia nagtrabaho ang ama niya na nagkaroon raw ng problema sa trabaho kaya nito lamang nakauwi.

 

 

“Na-bankrupt yung company, hindi na siya naka-support din,” dagdag na kuwento pa ni Yasser, “ngayon pa lang ulit nakabangon.”

 

 

Hindi na siya galit sa ama niya?

 

 

“Siyempre masaya nung una ko siyang nakita, pero ang dami ding ano e, parang ang daming… parang sinabi ko din sa kanya nung pagdating niya na, after 15 years eto na pala yun, parang hindi pa din siya po nag-aano sa akin e, parang hindi pa pumapasok sa loob ko, e.

 

 

“Pero yun, naging… para na din sa nanay ko, para maging masaya na lang din yung nanay ko, ayun, parang binuo ko na lang po yung samahan namin, nung family.”

 

 

Nakauwi raw sa Pilipinas ang ama niya matapos itong mabayaran ng naturang kumpanya, umuwi ito para puntahan at makita si Yasser.

 

 

“Sobrang mixed emotions, nakakatuwa pero sobrang happy dahil buo na ulit ang pamilya.”

 

 

Malamang raw bumalik sa Pilipinas sa Disyembre ang ama ni Yasser.

 

 

Samantala, dapat ay kasama si Yasser sa ‘Fatherland’ movie ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista at BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria.

 

 

Kaya lamang, dahil sa conflict sa schedule ay hindi na matutuloy si Yasser sa pelikula.

 

 

Mga artista sa Fatherland sina Allen Dizon, Cherrie Pie Picache, Richard Yap, Ara Mina, Bo Bautista, Jeric Gonzales, Mercedes Cabral, Abed Green, Max Eigenmann, Rico Barrera, Ara Davao, Jim Pebanco at Angel Aquino, sa direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Roy Iglesias with executive producer Dennis Evangelista.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads February 16, 2024

  • “Mixing and matching” ng bakuna laban sa Covid-19, pinag-aaralan pa- Malakanyang

    HANGGANG sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang posibilidad na paggamit ng isang tao na magkaibang brand ng bakuna laban sa covid 19 para sa kanyng 1st dose at 2nd dose.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pa ring konklusyon ang mga dalubhasa sa usaping ito.   “Specifically, dahil ang […]

  • Celine maingat sa praktis

    PATULOY pa rin sa pagpapakondisyon si Premier Volleyball League (PVL)  star Celine Domingo ng Creamline Cool Smashers maski wala pang petsa ang pagbubukas ng ikaapat na edisyon ng women’s volleyfest sa taong ito.   Sa isang Instagram post ng middle blocker kamakailan, kahit mag-isa lang siya sa volley drills, naging seryoso sa training, na naka-face […]