• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos

WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito.

 

 

Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso.

 

 

Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim sa publiko at sa mga mamamahayag ay alisin ang pagdududa at bigyan ng pagkilala ang mga taong nasa likod ng matagumpay na operasyon.

 

 

Nauna na kasing napaulat na humigit kumulang dalawang tonelada ng hinihinalang shabu ang nasabat sa checkpoint ng mga awtoridad na nasa isang van sa Alitagtag, Batangas. Ang halaga nito, umaabot sa P13.3 billion, ayon sa pulisya.

 

 

Subalit ngayon ay lumalabas base sa paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles na nasa 1.4 tonelada lamang o P9.68 bilyong halaga ng crystal meth, na tinatawag na shabu, ang nasabat ng mga tauhan nito sa bayan ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas noong Abril 15 batay sa opisyal na bilang nito.

 

 

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang ulat na ang halagang P13 bilyon na ibinigay nung una ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay pagtatantya lamang.

 

 

“Yung almost 2 tons na ibinigay was just an initial estimate of PDEA na base sa itsura at laman ng sako pero wala pa pong actual counting na nangyari doon,” ani Fajardo sa isang phone interview.

 

 

“Then nung matapos po ‘yung inventory kahapon, ang nabilang na lahat ng laman ng sako it turned out na nasa 1.4 tons po yung official count ng mga illegal drugs,” dagdag pa ng opisyal.

 

 

Sinabi rin ni Fajardo na ang inilabas na numero ng Batangas police ay hindi isang corrected version, dahil isinara niya ang anumang implikasyon na maaaring nabawasan na ang mga nakumpiskang narcotics.

 

 

“Hindi na dapat ito pag-uusapan kasi para sa akin klaro naman na estimate,” ang pakiusap naman ni Abalos.

 

 

Matatandaang, si Abalos ang nag-anunsyo na “more or less” P13.3  bilyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga awtyoridad, itinuturing itong “biggest single haul” ng illegal na droga na nakumpiska.

 

 

Ipinakita rin nya ang mga nasabing epektos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Idinepensa naman ni Abalos ang nauna niyang pahayag sa isang video kung saan sinabi niya ang tinatayang halaga.

 

 

Sa bagong kabuuang halaga ng nasamsam na illegal na droga, sinasabing P3.6 bilyong piso ang ibinaba nito sa kabuuan na nauna nang inanunsyo. (Daris Jose)

Other News
  • JESSY, pinanindigan na ‘di totoong lilipat na sa GMA Network; freelancer kaya puwedeng mag-guest tulad ni XIAN

    PINANINDIGAN pa rin ni Jessy Mendiola na hindi totoong lilipat siya sa GMA Network, pero dahil freelancer siya, ay pwede naman siyang mag-guest kahit saang network.      Katulad last Wednesday, July 7, nag-guest siya sa Shopee 7.7 TV special at dalawa sila ng kapwa niya dating Kapamilya, si Xian Lim, sa pagho-host ng show. […]

  • Navigational gate sa Navotas na nasira, pinapaayos na ni PBBM

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin na ang nasirang navigational gate sa Navotas. Ito kasi ang dahilan na ilang linggo ng dumaranas ng kalbaryo ang mga taga Navotas at Malabon dahil sa tubig baha. Sa situation briefing, sinabi ng Chief Executive na Isang emergency measure ang mabigyan ng remedyo sa nawasak na […]

  • ‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’

    NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.     Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.     Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi […]