• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nabundol habang tumakas, kelot na tirador ng bisikleta dedbol sa motor

TODAS ang isang lalaking nagnakaw umano ng bisikleta nang mabundol ng motorsiklo habang tumatakas sa mga humahabol na barangay tanod sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nabisto ng mga tanod ang ginawa umanong pagnanakaw ng bisikleta ng lalaking si alyas “Mac-Mac” dakong alas-9 ng gabi pero nang aarestuhin, kumaripas ito ng takbo patawid ng EDSA.

 

 

Sakto namang mabilis na tumatahak sa naturang lansangan ang rider kaya’t huli na bago pa niya naiwasan ang pagtawid ni ‘Mac-Mac’ at nabundol niya ito.

 

 

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon si ‘Mac-Mac’ na nagresulta sa kanyang kamatayan habang sumadsad naman ang rider na kaagad naisugod sa pinakamalapit na pagamutan sanhi ng tinamong mga galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, nagkasundo na kalaunan ang magkabilang panig na dahilan upang hindi na maghain ng kaso ang pamilya ng nasawi laban sa rider. (Richard Mesa)

Other News
  • 47K OFWs apektado sa deployment ban sa Kuwait

    AABOT  sa 47,099 overseas Filipino workers ang maaapektuhan ng suspensyon ng deployment sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).     “Nakikita natin na last year for instance mga 47,000 ang OFW kasambahay ang nagtungo sa Kuwait. Sa nakikita natin around that same figure ang potentially sa loob ng isang taon ang maapektuhan,” […]

  • IATF, pinapayagan na ang paggamit ng antigen test bilang entry requirement sa Pinas

    MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na ang ipakikita lamang ay ang antigen test na gawa ng healthcare professionals.     Ito’y matapos na sang-ayunan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Miyerkules ng gabi na payagan ang paggamit ng rapid antigen test na gawa […]

  • Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee

    Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team.   Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]