Nadal, Djokovic at Williams nakalista na sa US Open tuneup games
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Lumahok sa US Open tune-up tournament sina top-ranked Novak Djokovic, world number two Rafael Nadal at Serena Williams.
Ito mismo ang kinumpirma ng organizers ng ATP at WTA Western at Southern Open.
Unang plano itong gagawin sana sa Cincinnati pero ito ay inilipat sa New York dahil sa coronavirus pandemic.
Gaganapin ito mula Agosto 20 hanggang 28 sa quarantine environment kung saan walang audience na papayagang manonood sa National Tennis Center sa Flushing Meadows.
Hindi naman kasama sa listahan sina Swiss star Roger Federer, Dominic Thiem at France ninth-ranked Gael Monfils.
Makakasama naman ni Williams ang 16-anyos na si Coco Gauff at defending Western at Southern champion Madison Keys.
Hindi naman nakasama sina Ashleigh Barty, Simona Halep ng Romania, kasalukuyang Wimbledon champion at fift-rated Elina Svitolina ng Ukraine at Canada six-ranked Bianca Andreescu.
-
Inaayos na Kalibo International Airport papalakasin ang turismo, trabaho
Palalakasin ang turismo at magibibigay ng maraming trabaho ang mas pinagandang Kalibo International Airport (KIA) na magtutulak upang dumami pa ang economic activities sa Aklan. “While comfort, improved mobility, and connectivity are expected as a results of various development projects in Aklan, more employment and tourism opportunities will likewise flourish to boost activities […]
-
Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships
Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships. Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8. Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early […]
-
1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7
NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7. Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso […]