• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NADINE, handog ang virtual concert para sa elderly gay community at mga drag artists

MAGHAHANDOG ng virtual concert para sa elderly gay community si Nadine Lustre na may titulong Nadine, Together With Us.

 


     Para rin daw ito maka-raise ng funds para sa mga drag artists na nawalan ng trabaho noong magkaroon ng pandemya.

 

The online show will be streamed via the official TaskUs PH Facebook page on Monday, June 28, at 6:30 PM.

 

Makakasama ni Nadine ang ilang members ng drag community na sina Vinas DeLuxe, Lady Gagita, and Andy Crocker. Sasamahan siya ng mga ito sa virtual performance niya ng mga songs na “White Rabbit,” “Seconds,” “Dance with Danger,” “Glow,” and “Ivory”.

 

     “I have always admired drag queens and the level of artistry that they put into every look and act. It’s an art that only drag queens can pull off, so to lose them in the scene is also to lose a unique art form.

 

 

I am very proud to be part of a cause and help amplify the voices of our queer community. To all members of the LGBTQIA+ community, I want you to know that you are loved and valued,” sey ni Lustre patungkol sa rainbow community.

 

The concert will raise funds for the Home for the Golden Gays Foundation, a non-profit organization that provides support and care for elderly LGBTQIA+ people.

 

 

The organization was founded in the 1970s by Filipino LGBTQIA+ rights activist Justo C. Justo.

 

 

     ***

 

 

SA pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, hindi lang ang kanyang mga nagawa sa bansa ang napag-uusapan sa mga tipun-tipon, kundi pati na ang naging makulay na lovelife niya.

 


     Marami ang alam na medyo malihim at tahimik ang naging lovelife ni PNoy. Noong tanungin siya noong 2011 tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig, hinalintulad niya ito sa softdrink.

 

Ayon kay PNoy: “May nagtanong ho kasi sa akin, sabi niya, ‘kamusta love life mo?’ Eh ang sabi ko po sa kanya, parang Coca Cola. Noong araw, ‘regular.’ Naging ‘light.’ Ngayon, ‘zero.'”

 


     Kabilang sa mga naging nakarelasyon ni PNoy noon ay ang mga broadcast journalists na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano. 

 


     Dumating din sa buhay niya ang konsehal ng Valenzuela City na si Shalani Soledad.

 


     Nanatiling binata si PNoy at may kanya-kanya nang asawa sina Korina (kasal kay Mar Roxas), Bernadette (kasal kay Emilio Aguinaldo IV) at Shalani (kasal kay Pasig Rep. Roman Romulo).

 

Naka-date din ni PNoy noon ang stylist na si Liz Uy, ang TV host na si Grace Lee at ang mga aktres na sina Barbara Milano at Maricel Morales.

 


     Minsan din na-link si Asia’s Songbird Regine Velasquez kay PNoy noong naging congressman ito ng Tarlac. Pero paghanga raw iyon sa talento ni Regine sa pag-awit dahil alam ng marami na mahilig sa musika si PNoy.

 

 

***

 

BIBIGYAN ng honorary Oscar ang Hollywood actor na si Samuel L. Jackson at gagawaran ng special honors naman sina Danny Glover, writer-director Elaine May and Norwegian actress Liv Ullmann dahil sa contributions nila to filmmaking ayon sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences or AMPAS.

 

 

Igagawad ang honorary Oscar sa 2022 Academy Awards.

 

Ayon sa AMPAS President David Rubin: “The recipients “have had a profound impact on both film and society.”

 

Nakilala si Jackson bilang si Nick Fury sa maraming Marvel movies. Nakagawa ito ng higit sa 100 films, kasama na ang Oscar nominated role niya sa 1994 Quentin Tarantino drama na Pulp Fiction.

 

Si Ullman ay frequent collaborator with Swedish director Ingmar Bergman. Lumabas siya sa mga pelikulang  Persona, The Passion of Anna, Cries and Whispers and other Bergman films. Na-nominate si Ullman for best actress in 1971 for film The Emigrants and in the 1976 film na Face to Face.

 

Si May ay nakatanggap ng Oscar nominations for best adapted screenplay for 1978’s Heaven Can Wait and 1999’s Primary Colors. Bago siya naging screenwriter, part siya ng comedy duo na Nichols and May, noong 1958, with the late film director Mike Nichols.

 


     Si Glover ay nakilala sa mga hit Lethal Weapon movies at tatanggapin niya ang Jean Hersholt Humanitarian Award for his advocacy for justice and human rights. Kasalukuyang goodwill ambassador for UNICEF si Glover.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Pedicab driver nalambat sa Navotas, P380K shabu, nasamsam

    NASAMSAM sa isang pedicab driver na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang halos P.4 milyon halaga ng shabu matapos matimbog aa buy bust operation sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong suspek na si Jayson Gacayan, 42 ng Leongson St., Brgy. San Roque. Sa kanyang ulat kay […]

  • Pasig City Mayor Vico Sotto nagpositibo sa COVID-19

    HINDI rin nakaligtas si Pasig City Mayor Vico Sotto sa banta na hatid ng COVID-19.     Sa kanyang social media posts ay ibinahagi ng alkalde ang kanyang malungkot na balita nang magpositibo ito sa nasabing virus at kasalukuyang nakararanas ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng katawan.     Ikinuwento pa niya na […]

  • OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

    NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.   […]