Nadismaya nang husto sa mga rebelasyon: LIZA, pinayuhan ni BOY na sana ay palaging baunin ang pagpapasalamat
- Published on March 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY nga ng pahayag ang kilalang talent manager at King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa 14-minute controversial vlog ng aktres na si Liza Soberano na sumentro sa kanyang 13-year-old showbiz career na may titulong ‘This Is Me’.
Ayon sa host ng ‘Fast Talk With Boy Abunda’, nagsasalita siya bilang talent manager at ‘yun ang kanyang pinanggagalingan.
“Ang dami-dami kong gustong sabihin. Disappointed ako du’n sa vlog, I am extremely disappointed of the vlog. Pero napakamalumanay ng pagkakasabi ni Liza,” panimula ni Kuya Boy.
May mga tanong na pinakawalan si Kuya Boy tungkol sa naging showbiz career ni Liza. May karapatan ba si Liza na magbago ng management? May karapatan ba si Liza na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza na hawakan na ang kanyang karera?
“Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay ‘oo’. She has the right to do what she’s doing,” say ni Kuya Boy.
“Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya doon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, I was working with three directors na paulit-ulit.’
“Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw yon.
“For the last 13 years, yung hinangaan namin, hindi si Liza yun. Because you were saying in your vlog na, I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko.”
Pagpapatuloy pa ng Kapuso host, “alam n’yo kung bakit ako nagsasalita, I was in the vlog, mayroon doong clip na ini-interview ko siya, hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.
“I don’t know the intent, I don’t know where she wants go.
“Pero kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga managers.”
Ayon kay Kuya Boy he is writing a book na hindi niya matapos-tapos, tungkol ito sa pagma-manage ng public figures.
Dagdag pa niya, ang masakit na katotohanan sa showbiz industry, kapag sumikat na ang isang artista, nababago na ang dynamics. At may time na gusto na nilang mag-manage o magpa-manage sa iba.
Kaya may matinding payo ni Kuya Boy, lalo na kay Liza, “You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude
“Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari, sa mga taong dumaan sa buhay mo at kasama mo because you are where you are today dahil sa mga taong tumulong.
“Sabihin na natin na may mga karanasan ka hindi masyadong maganda. Pero Liza, lahat ng nangyari sa ‘yo, nothing is ever wasted. Lahat yan, magiging point of references mo.”
Dagdag pa sa disappointment ng host, “medyo masakit din pong pakinggan, ‘even the choice of my name Liza, I have nothing to do with it’. Pero Liza, ‘yun ang hinangaan namin, ‘yun ang kinalala namin. Ang hinangaan namin, is a good girl and was an excellent actor.
“Do not disregard your past. Do not disregard the 13 years na minahal ka ng mga fans mo. Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today.”
Sinang-ayunan din ni Kuya Boy ang post ni Ogie Diaz, na dating manager ni Liza, na isa raw sa bago niyang natutunan.
Simula raw ngayon, pag may magpapa-manage sa kanya na new talents ay tatanungin muna, pati ang parents nito kung marunong mag-manage, pag hindi ang sagot, saka lang niya tatanggapin.
Marami pa sanang gustong sabihin ang Kapuso host pero kailangan na niyang tapusin ito sa makahulugang mensahe, “You know, Liza, I love her. I love you, if you’re watching this, proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude.
“You know what you should do, #saythankyou, because gratitude opens your heart and your life to more blessings.”
Samantala, nagbigay na rin ng pahayag ang ni Liza na si John Castillo Soberano tungkol nga sa pinag-uusapang kontrobersya after na lumabas ang first vlog ng anak sa YouTube.
Ipinagtanggol ng ama sa mga bashers at haters tumatawag sa anak niya ng “ingrata” at “walang utang na loob.”
Dahil nga sa mga naging reklamo at hinaing niya sa dating manager at mother network na ABS-CBN, Star Magic at Star Cinema.
Ayon sa naging pahayag nito kay MJ Marfori para saTV5, “Since you guys are all hurt i’m very sorry.
“For what you guys didnt understand. Everybody blow everything out of proportion so sometimes you have to sit back relax and rewatch what she said and really understand what she’s saying.”
Sa ngayon ay nakaabang ang publiko kung magsasalita pa si Liza pagkatapos ng kanyang YouTube vlog o mananahimik na lang at aatupagin ang pagpo-promote ng bago niyang endorsements at upcoming projects.
(ROHN ROMULO)
-
NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI
NAGSASAGAWA ng monitoring ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang pekeng Covid-19 vaccines sa bansa. Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA). […]
-
Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki
PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon. Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa […]
-
Betrayal of public trust, graft batayan sa impeachment vs VP Sara
ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Government and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Sinabi ni Manila 3rd […]