• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-alala na baka nasaktan sa eksena nila: MIKE, na-shock nang malamang buntis pala si JENNYLYN

FIRST time palang makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye.

 

 

Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (‘Lovestruck’ in 2005), never pa raw silang nagsama sa teleserye.

 

 

Kaya happy ang StarStruck season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle siya nila Jennylyn at Xian Lim sa teleserye na ‘Love. Die. Repeat.’

 

 

Ayon kay Mike, hindi raw madali ang pagganap niya bilang kontrabida. Dagdag pa raw ang ingat dahil buntis na si Jen noong kunan ang mga eksena nila.

 

 

“Nag-aalangan talaga ko at first na hawakan si Jen nang madiin or hatakin s’ya kasi ‘yun ‘yung role ko e.

 

 

“Tapos yung scene na ginagawa namin, yun na yung ida-drag ko si Jen. Do’n ko first time na hahatakin siya tapos after that nalaman namin buntis na siya.

 

 

“So, yung shock sa akin parang ‘Wait, tama ba yung ginawa ko?’ But then again, na-realize ko habang ginagawa namin yung ‘Love. Die. Repeat.’, nakita ko kung gaano ka-generous si Jen kapag ka-eksena mo.

 

 

“Kasi everytime na may ginawa kami tinatanong ko siya, ‘Okey ka lang ba? Nasaktan ba kita?’ Sabi niya, hindi.

 

 

“So do’n pa lang, napapalagay na yung loob ko na mas maging free pagdating sa pag-arte lalo na bilang kontrabida.”

 

 

***

 

 

MASAYA si Kim de Leon sa tinatamong success ni Allen Ansay.

 

 

Si Allen kasi ang First Prince or runner-up noong manalo si Kim bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck Season 7.

 

 

Sey pa ni Kim na naging close friends sila ni Allen noong nasa StarStruck pa sila. Kaya happy siya sa tagumpay ng loveteam ni Allen with Sofia Pablo.

 

 

Sunud-sunod kasi ang projects at endorsements ni Allen at hinihintay naman ni Kim ang magiging big break niya.

 

 

Ngayon ay kasama si Kim sa primetime teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ at ang kanilang director ay si Laurice Guillen na unang nakasama ni Kim sa teleserye na ‘Unbreak My Heart’.

 

 

***

 

 

ISANG mother na ang nagbida sa live action film ng Disney’s ‘Little Mermaid’ na si Halle Bailey.

 

 

Pinakilala niya sa social media ang kanyang baby boy named Halo na sinilang niya bago sumapit ang bagong taon.

 

 

“Even though we’re a few days into the new year, the greatest thing that 2023 could have done for me, was bring me my son. Welcome to the world my Halo. World is desperate to know you,” caption ng 23-year old singer-actress.

 

 

Halo is Halle’s child with boyfriend, 25-year old rapper DDG. Una silang nag-date noong 2022.

 

 

Halle, who was part of the cast of the teen comedy series, ‘Grownish’, also appeared in the musical film, ‘The Color Purple.’

 

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Isa sa host ng show na papalit muna sa ‘It’s Showtime’: MELAI, ‘di na-imagine na bibida sa movie na kukunan sa South Korea

    NAG-POST si Maggie Wilson ng larawan kasama ang kanyang ina.   Nitong Miyerkules kasi, may nangyari sa nanay ni Maggie kunsaan, inaresto raw ito ng mga pulis sa salang carnapping.   ‘Yun nga lang, ang inaresto at pinagbintangan na nag-carnap ay walang lisensiya at hindi marunong mag-drive.   Hindi man pinangalanan ni Maggie, pero madaling […]

  • 17 atleta na ang isasabak ng Pinas!

    Opisyal nang maglalaro sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at  Bianca Pagda­nga­nan sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Pumuwesto si Saso sa No. 9 habang No. 42 si Pagdanganan sa listahan ng International Golf Fe­deration (IGF) para sa 60 women golfers na papalo sa Tokyo Olympics sa Hul­yo 23 hanggang Agosto […]

  • Walang fare hike

    Hindi kinatigan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang panawagan ng mga transport groups na magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa public utility jeepneys (PUJs).     Ito ang sinabi ni Tugade sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng signing ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at Department of […]