Nag-amok na adik, utas sa umawat na pulis
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang sinasabing drug adik matapos barilin ng rumespondeng pulis na inundayan niya ng saksak nang tangkain siyang awatin habang nagwawala kahapon (Biyernes, Marso 6) ng umaga sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-7:40 ng umaga nang magsimulang mag-amok at sugurin ng saksak ng suspek na si Alvin Calpo, 24, ng Brgy. TaƱong ang bawat makita niya sa kahabaan ng P. Aquino Avenue, harap ng Kadima, Brgy. Tonsuya na naging dahilan upang humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 ang mga residente sa lugar.
Kaagad pinadala ni PCP-8 commander P/Capt. Carlos Cosme, Jr., sa naturang lugar si P/SSgt. Meduard Reloj, P/SSgt. Darryl Misa at P/ Cpl. Sergio Consulta III kung saan naabutan si Calpo na armado ng patalim habang hinahabol si Manuel Bersales, 49, ng Paradise Village, Letre, Tonsuya na dumaan sa lugar.
Matapos magpakilala ni Sgt. Misa bilang pulis, tinangka nitong awatin ang suspek subalit sinugod siya ng saksak ni Calpo na nagawang maiwasan ng parak.
Patuloy na sinugod ng saksak ng suspek ang pulis hanggang sa matumba ito dahil sa kakaiwas at dahil sa panganib sa kanyang buhay ay binunot ni Sgt. Misa ang kanyang baril at pinutukan si Calpo sa kanang hita bago muling binaril sa katawan dahil sa patuloy na pag-atake sa kanya ng suspek.
Sinabi ni Malabon police homicide investigator P/Cpl. Jose Romeo Germinal, si Calpo ay kalalaya lamang kamakailan sa Navotas Jail dahil sa kasong theft.
Sinabi pa ni Germinal na kinasuhan din ang suspek ng attempted homicide subalit, nadismis.
Inamin naman sa pulisya ng mga kapatid ni Calpo na mula ng malulong ito sa iligal na droga, nagsimula na siyang masangkot sa iligal na aktibidad. (Richard Mesa)
-
Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM
DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang […]
-
Sampung taon na pero never pang nakita ang ama: ANGELICA, ibinahagi ang pinagdaraan nila ng anak na si ANGELO
PUNUM-PUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaraanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo. Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya. At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa […]
-
DA, hinikayat ang mga Pinoy na iwasang magsayang ng bigas, bumili ng locally produced rice
HINIKAYAT ng Department of Agriculture (DA) ang mga mamimili na iwasang magsayang ng bigas at bumili ng locally produced rice para tulungan ang mga magsasaka na lumaki at lumakas ang kanilang kita. Sa Palace press briefing, sinabi ni Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development of DA-PhilRice, na sa ilalim ng […]