• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-enjoy at nakapag-bike sa Golden Gate Bridge: ZOREN, sumama sa trip nina CASSY at DARREN para magbantay

NAKA-SCHEDULE na palang umalis, any day now, sina Alden Richards at Julia Montes para mag-shoot ng first team-up movie nila na “Five Break-Ups and A Romance.” 

 

 

Collaboration project ito ng GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Corporations ni Alden, na written and directed by Irene Emma Villamor.

 

 

Marami nang nagtatanong kung ano raw ang role na gagampanan nina Alden at Julia.

 

 

Sa isang interview, may nagtanong kay Alden kung nanibago  ba siya sa character niya, na sabi’y ibang-iba sa mga dati na niyang ginagawang role?

 

 

Dito raw ay daring ang mga eksena nila ni Julia, magpapakita sila ng skin na sabi nga ay hindi ito ang comfort zone ni Alden.

 

 

“In terms of scenes, it is more open, madumi po ako rito at malala ang mga dialogues ko,” sagot ni Alden.

 

 

“Ito yung other side ng isang lalaki na hindi ko pa nagagawa.  I’m not your typical leading man dito.”

 

 

Sabi nga ni Direk Irene: “Tiyak na manggugulat dito sina Alden at Julia.  We are hoping very soon ay maipapalabas na namin ang “Five Break-Ups and A Romance.”

 

 

Unang nakasama ni Alden si Direk Irene noong assistant director pa lamang siya sa teleserye na “Destined To Be Yours.”

 

 

***

 

NANANATILI pa ring Concert King si Martin Nievera sa concert scenes here and abroad.

 

 

Like his coming concert with Morisette, sa June 2 pa ang concert nila sa Grayton Casino in San Francisco, pero ngayon pa lamang ay sold out na ang tickets.

 

 

May second show pa sila on June 3, sa Fantasy Spring Resort Casino, pero ilang tickets na lamang ang hindi pa nabibili.

 

 

Pinuri ni Martin si Morisette na one of the best today, who has a beautiful voice and a beautiful personality.  In turn naman Morisette is so grateful to Martin and considers him as one of her mentors.

 

 

Ang isa pang maipupuri mo kay Martin, since hindi niya ikinakaila na he is a father of a special child with autism, his 16-year old son Santino, he is very active din sa foundationa that aims to foster awareness about autism, ang Sing Out For Autism or SOFA. Nagko-concert sila roon ng isang non-profit organization that aims to help families and children affected by autism.

 

 

***

 

FINALE week na ngayon ng “Mga Lihim ni Urduja” nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Jeric Gonzales and Sanya Lopez, with Vin Abrenica and Zoren Legaspi, kaya tapos na silang mag-taping.

 

 

Nagkaroon na chance si Zoren na magbakasyon sa San Francisco, California, pero ang totoo ay nag-chaperone siya sa anak na si Cassy, na kasama ang rumored boyfriend na si Darren Espanto.

 

 

At 22, hindi pa mahayaan ni Zoren na hindi bantayan ang anak na si Cassy, hindi dahil wala siyang tiwala kay Darren dahil close naman siya at ang family nito sa kanilang mag-anak, pero iba pa rin daw iyong nasasamahan pa niya ang anak sa mga lakad nito.

 

 

Nag-enjoy din naman daw siya dahil nagkaroon siya ng chance na makapag-bike sa Golden Gate Bridge, na pinost niya sa kanyang Instagram.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads September 16, 2022

  • Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

    TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.   “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]

  • STEVE HARVEY, pinalitan nina MARIO LOPEZ at OLIVIA CULPO para mag-host ng ‘69th Miss Universe’

    HINDI si Steve Harvey ang maghu-host ng 69th Miss Universe pageant sa Miami, Florida.     Ito ang unang pagkakataon na nagpahinga sa kanyang pag-host ng Miss Universe si Harvey.     Nakatatak na sa utak ng maraming pageant fans ang pangalang Steve Harvey dahil sa pag-announce nito ng maling Miss Universe winner noong 2015. […]