• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-iisa at kakaibang trading card ni LeBron James posibleng maibenta sa mahigit $6-M

POSIBLENG  aabot sa mahigit $6 milyon ang halaga ng kakaibang trading card ni NBA star LeBron James.

 

 

Ang “Triple Logoman” card, na nag-iisang nailabas na card ng 18-time NBA All-Star ay may nakalagay na patches mula sa jerseys ni James habang ito ay naglaro sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at sa Los Angeles Lakers.

 

 

Inilabas ito ng Panini bilang bahagi ng 2020-21 “Flawless” collection.

 

 

Ito ay hinahanap ng mga collectors kabilang ang Canadian rapper na si Drake kung saan bumili pa ito ng 10 kaha ng nasabing basketball cards subalit bigo itong makita.

 

 

Sinabi naman ni Ken Golding ang executive chairman ng Goldin Auctions na ito ang nag-iisa sa buong mundo kaya ganun na lamang ang presyo nito.

 

 

Nadiskubre ang card matapos ang ilang taon na paghahanap mula sa collectors na isinagawa sa live social media event.

 

 

Maituturing ito bilang “Holy Grail” ng sports collectibles at maaaring ito ay malampasan ang trading card ni Honus Wagner T-206 baseball card na naibenta noong Agosto sa halagang $6.6-M.

 

 

Magsasara ng hanggang Hunyo 25 ang auction ng nasabing “Triple Logoman”.

Other News
  • DOTr: Libreng sakay sa mga trains extended muli hangganag Sept. 15

    Pinahaba muli hanggang September 15 ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa mga trains ng mga pasaherong fully vaccinated.       “The DOTr extended the free rides for vaccinated authorized persons outside of residence or APORs at the Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2 and […]

  • ‘Flash’ Movie Director Shares Image Of Michael Keaton’s Bloody Batman Suit

    DIRECTOR Andy Muschietti has shared a new image from the set of The Flash teasing the Batman suit for Michael Keaton’s depiction of the Dark Knight.     Written by Birds of Prey scribe Christina Hodson, the 12th film in the DC Extended Universe will see the titular speedster go back in time in an effort to save his mother […]

  • Dahil sa karangalang ibinigay sa mga filipino at sa bansa: Malakanyang, nagpasalamat kay Pacquiao na opisyal nang namaalam sa boksing

    NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao na opisyal nang namaalam sa larangan ng boksing.   “Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumps as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. […]