Nag-react at nalungkot ang SethDrea fans: ANDREA, pumayag na maging girlfriend ni RICCI kaya mag-on na sila
- Published on April 12, 2022
- by @peoplesbalita
HAPPY and thankful si Tony Labrusca sa panalo ng Hello Stranger bilang Best BL Series at silang dalawa ni JC Alcantara bilang Best BL Loveteam sa Village People Awards.
Tinalo lang naman nila ang Gameboys at tandem nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas for the honor.
Sa exclusive interview namin with Tony, sinabi ng binata na unexpected daw ang panalo nilang iyon. Pero nagpapasalamat sila for the honor.
Nagpapasamat din si Tony sa mga fans ng Hello Stranger sa patuloy na suporta sa kanilang dalawa ni JC.
Marami na nga sa fans na nag-aabang kung may sequel ang BL series. Pero ang plano raw ng Black Sheep (producer ng series) na matatagalan bago muling magsama sa BL sina Tony at JC.
Gusto raw ng Black Sheep for the two na makagawa ng individual projects bago sila isalang sa part two ng Hello Stranger.
So, baka raw after two years pa saka lang natin mapapanood sina JC at Tony sa isang BL project.
Gusto rin naman ng Black Sheep na mahasang mabuti sa acting nila para they can tackle more mature roles the next time they work together again.
May tatlong movies na natapos si Tony, including one for Vivamax na medyo sexy ang role niya.
Pero most probably yun na raw ang last sexy movie niya for now.
***
ANO kaya ang reaction ni Seth Fedelin na confirmed na couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero?
Pumalo nang husto sa social media noong Sabado nang tanungin ni Ricci si Andrea kung pwede ba niya itong maging girlfriend?
Pumayag naman ang dalaga sa proposal ni Ricci kaya official a couple na ang dalawa.
Siyempre nag-react ang mga Andrea-Seth fans dahil gusto nila na ang idols pa rin nila ang magkatuluyan sa sa huli.
Pero tila malabo na itong mangyari dahil on na nga sina Andrea at Ricci!
***
SA presscon ng upcoming concert na Love and Light na gagawin sa April 30 sa Newport Performing Arts Theater ay binanggit ng OPM icon at balladeer na si Basil Valdez that he recently turned 70.
Sinabi rin niya na 45 years old na ang album niyang Ngayon at Kailanman na dapat sana ay ipagdiriwang nila ni Maestro Ryan Cayabyab ang anniversary pero inabutan ito ng pandemic.
He is looking forward sa concert nila ni Jamie Rivera dahil parang pasasalamat niya ito for being still alive kahit nagkaroon ng pandemic. May mga friends and loved ones daw siya na nawala during the pandemic.
“That we are still alive despite the pandemic is a blessing,” wika ng hitmaker na kilala sa mga awitin niyang Kastilyong Buhangin, Ngayon at Kailanman, at Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.
“If I can approximate the performance I had two years ago, I’d be happy,” wika pa ni Basil.
When asked kung anong paghahanda ang ginagawa niya for the concert, Basil said na he starts vocalizing two weeks before the concert.
Expect daw natin na may mga inspirational songs siyang aawitin sa Love and Light.
Ang concert ay produced ng Full House Theater Company in cooperation with NY Entourage Productions. Musical direction by Adonis Tabanda and directed by Marvin Caldito.
(RICKY CALDERON)
-
Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod na 3 linggo – MMDA
MAAGANG nag-abiso ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko hinggil sa posibilidad ng pagbigat pa lalo ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Kamaynilaan ngayong papalapit na ng papalapit ang holiday season. Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, asahan na pagdoble ng bigat ng trapiko sa […]
-
4 drug suspect timbog sa buy bust sa Valenzuela
ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapo ng umaga. Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng […]
-
Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila
IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod. Ang direktiba ay ibinigay kay Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa […]