• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-sorry kung na-hurt sa kanyang joke: DINA, walang intensyon na pasaringan si ALEX tungkol sa pagpapahid ng cake

SINABI mismo ni Dina Bonnevie na wala siyang anumang intensyon o pananadya na pasaringan si Alex Gonzaga nang magpaalala siya na hindi dapat ipinampapahid sa tao ang cake nang magdiwang siya ng kaniyang kaarawan kamakailan.

 

 

“It was a joke,” pahayag ni Dina sa “Fast Talk with Boy Abunda” episode nitong Martes.

 

 

“Kasi that time, ‘di ba nandu’n na ‘yung cake. Tapos ‘Oh! Oh! Oh!’ ganu’nan ‘yung mga tao, parang nanunukso,” kuwento niya.

 

 

Ipinagdiwang kamakailan ni Dina ang kaniyang ika-61 kaarawan noong Enero 27, at kasama niya sa kaniyang birthday bash ang mga mahal niya sa buhay.

 

 

Kabilang sa nakita sa video sina Oyo Sotto at asawang si Kristine Hermosa at si Marc Pingris na asawa ni Danica.

 

 

Kapansin-pansin sa isang video na tila natatakot ang waiter na hawakan ang cake na malapit kay Dina. Kaya sinabi ng aktres na, “Hindi kita papahiran ng cake. Magpapasalamat ako sa ‘yo.”

 

 

Nang hawakan na ng ibang staff ang cake para magpakuha ng larawan kay Dina, nagpaalala siya na hindi dapat ipinapahid sa tao ang cake.

 

 

Sa panayam sa kaniya ni Tito Boy, sinabi ni Dina na purong biro niya lamang ito.

 

 

“‘Yung waiter natatakot. Sabi ko ‘No, no, no. I won’t put cake on your face. But not to do something. Parang joke na lang ‘yun. ‘Sige i-post mo na.’ It was a joke,” saad niya.

 

 

“But I didn’t intend to hurt… if I hurt Alex’s feelings because na-post ‘yon, sorry pero, it was a joke. Wala. We were just having fun noong birthday ko,” paliwanag pa ng aktres.

 

 

Matatandaang na mainit na pinag-usapan sa social media ang ginawang pagpahid ni Alex ng cake sa isang waiter nang ipagdiwang ang kaniyang ika-35 kaarawan.

 

 

Humingi na ng paumanhin si Alex sa naturang pangyayari at sinabing may leksiyon siyang natutunan.

 

 

***

 

 

MASAYA si Snooky Serna na maging bahagi ng GMA series na ‘Underage’ na pelikula noon nila nina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

 

 

Kaya naman panay papuri ng beteranang aktres sa Underage co-stars niya na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes. Inilarawan niya ang tatlo bilang “good choices” para sa kani-kanilang roles dahil sa pagiging “very humble, always on time, and very professional.”

 

 

“Wala akong masabi sa dun sa tatlong bata. They are all so kind, they’re very generous and sa acting po, when we’re acting together, very cooperative po ‘yung mga bata,” saad ni Snooky sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute.

 

 

Dagdag pa nito, “They’re fun to be with on the set.”

 

 

Gumaganap si Snooky sa serye bilang si Velda Gatchalian, ang asawa ni Dominic Gatchalian na ginagampanan naman ni Christian Vasquez.

 

 

Sa naunang interview kay Snooky, pinuri rin niya ang galing ng tatlo sa pag-arte, at sinabing “they will go places talaga.”

 

 

“Nakikita ko kasi ‘yung determination nila to do good in their craft. Una sa lahat, they love their job, they love acting, they love what they’re doing, they have discipline, they have a sense of responsibility, and also they’re very humble,” dagdag pa nito.

 

 

Matatandaan na naging bahagi si Snooky ng orihinal na Underage, isang pelikula na ipinalabas noong 1980. Dito hango ang kasalukuyang GMA serye. Sa direksyon ni Joey Gosiengfiao, nakasama ng aktres sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano sa nasabing pelikula.

 

 

Binalikan ni Snooky ang sarili niyang karanasan sa pelikula, “Naisip ko, ‘Parang kailan lang, ako ‘yung underage at inaapi kami ni Tita Bella Flores. Ngayon, ako na ‘yung kontrabida, ako na si Bella Flores.”

 

 

At dahil iisa ang karakter niya noon at ni Elijah sa bagong serye, pinaalalahanan niya ang dalaga tungkol sa role na gagampanan nito.

 

 

“Sabi ko, ‘Yung role mo, mas mabigat, mas challenging ‘yung role mo ngayon,’” sabi nito.

 

 

Samantala, nagluluksa pa rin si Snooky sa pag-panaw ng nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Anton Serna. Ang dating aktor ay namatay noong Disyembre 2022.

 

 

“Napaka-bait po ng diyos. Binibigyan po ako ng lakas ng Panginoon to accept the fact that my brother has moved on to a better place,” sabi nito.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Eala napasakamay ang unang korona sa professional tennis

    BUMUWELTA sa makupad na umpisa si Alexandra ‘Alex’ Eala upang tagpasin si Yvone Cavalle-Reimers, 5-7, 6-1, 6-2, at sorpresang kopoin ang korona ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor Tournament sa Spain nitong Linggo ng gabi.     Ang pananalasa ng 15-anyos na Pinay tennis sensation ang nagkaloob sa kanya ng unang professional career title […]

  • Young Guns dinepensahan si Rep. Migs Nograles laban sa paratang ng pamumulitika

    NAGSAMA-SAMA ang mga kongresista na tinaguriang Young Guns ng Kamara sa pagtatanggol kay PBA Partylist Rep. Migs Nograles, na pinaratangan ng pamumulitika sa pamamahagi tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ni Davao City Rep. Paolo Duterte. “We, the Young Guns, stand united in our support for Rep. Migs Nograles. Her work in […]

  • IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya

    SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya.     Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng […]