Nag-sorry na pero kinontra niya ang statement: VICE, nag-rant dahil sa matinding inis sa airline company
- Published on October 26, 2023
- by @peoplesbalita
BONGGANG rant dahil sa matinding inis ang inihayag ni Vice Ganda laban sa isang airline company na ayon kay Vice ay abala at perhuwisyo ang idinulot sa kanya.
“Grabe ka @flyPAL Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!! Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin. Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!
“Pinapalitan nyo ng lungkot at buwisit ang saya na dulot ng excitement sa bawat trip at ligaya ng bawat nabuong memories sa trip ng dahil sa napakapanget nyong sistema! Masaya sana ang bawat alis at pag uwi kung meron kayong malasakit.
“Walang halong biro naiyak ako habang tumatakbo para umabot ako sa flight na muntik kong di masakyan dahil nagoverbook kayo. Si Ion inabutan kong mukhang kawawang nasa pinto ng eroplano dahil ayaw nyang sumakay kung di ako makakasakay. Yun ang ginawa nyo sa amin @flyPAL.”
Nagpaliwanag at nag-sorry naman ang naturang airline…
“We would like to express our apology for the disruption and inconvenience you have faced during what should have been a joyful journey. We truly understand your frustration, and we are genuinely sorry for the trouble this has caused you,” pahayag ng airline company.
“Your concerns about overbooking have not gone unnoticed. We are here to assure you that we take your feedback to heart and are committed to looking into this matter immediately.”
Nguni’t kinontra ni Vice ang naturang statement…
“Hindi yan ang sinabi sakin sa counter! Ang sabi ng staff, ‘THE FLIGHT WAS OVERBOOKED AND MY SEAT WAS GIVEN TO ANOTHER PASSENGER.’ MAG BATO-BATO PICK NA LANG KAYO NG STAFF SA COUNTER KUNG SINO SA INYO ANG PAL-PAK! YUNG PANALO LIBRE KO NG ROUND TRIP TICKET VIA CATHAY PACIFIC!”
Abangan ang magiging ending ng “eroplanoserye” na ito.
***
NANANATILI ang malalim na pagkakaibigan nina Noreen Divina na may-ari ng Nailandia Nail Studio and Body Spa at ng pinuno ng Artist Circle Management na si Rams David.
Halos sampung taon na mula noong sila ay maging magkaibigan, simula noong kunin nila si Marian Rivera bilang nag-iisang celebrity endonser ng Nailandia pero hanggang ngayon, kahit wala na si Marian sa poder ni Rams ay matalik na magkaibigan pa rin sina Noreen at Rams.
Sa katunayan, nitong nakaraang kaarawan ni Rams ay magkasama sina Noreen, ang mister ni Noreen (at co-owner ng Nailandia) na si Juncynth at ang isa sa mga talents na hawak ni Rams na si Shyr Valdez na nag-dinner sa isang fine dining restaurant sa Maynila.
Speaking of Nailandia, magkakaroon ng bagong branch ang sikat na nail salon and spa sa Cebu matapos ang pagbubukas ng isa na namang branch sa Norzagaray sa Bulacan at ng pinagsosyohan ng Voltes V girls na Nailandia branch sa Timog.
Of course ang tinutukoy naming girls ay sina Ysabel Ortega, Sophia Senoron at Elle Villanueva.
And bago matapos ang 2023, may mga bagong projects and ventures pa na bubuksan ang mag-asawang Noreen at Juncynth.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Extension ng travel restrictions sa 10 bansa, inaprubahan ni PDU30
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-extend o palawigin ang travel restrictions sa sampung bansa sa simula Agosto 1 hanggang Agosto 15 ngayong taon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Hary Roque, kasama rito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, indonesia, Malaysia at […]
-
45-day benefit limit, inalis ng PhilHealth
UPANG higit pang paghusayin ang kanilang serbisyo sa kanilang mga miyembro, inalis na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ipinaiiral nilang 45-day benefit limit. Sinabi ni PhilHealth president at CEO Edwin Mercado na ang naturang 45-day benefit limit ay isa nang ‘outdated cost-containment strategy’ kaya’t nagpasya silang alisin na ito. Kasabay nito, binigyang-diin din niya […]
-
Speaker Romualdez pinakakasuhan na sa BOC ang mga smuggler
PINAKAKASUHAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Bureau of Customs (BoC) ang mga rice smuggler, kasama ang kanilang mga kasabwat sa pagpuslit ng libu-libong sako ng bigas na iligal na ipinasok sa mga pantalan sa Mindanao. Ginawa ni Speaker Romualdez ang apela kasabay ng paghahayag ito ng suporta sa naging desisyon ni […]