• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-translate sa ilang eksena sa bagong serye: YASMIEN, napakinabangan ang kaalaman sa Arabic language

NAPAKINABANGAN ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa Arabic language sa bago niyang teleserye na ‘The Missing Husband’.

 

 

Marunong si Yasmien ng Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim.

 

 

At dahil dito ay siya ang nag-translate ng Arabic words na parte ng ilang mga eksena sa programa.

 

 

Ayon sa kanyang IG post…

 

 

“Visited #TheMissingHusband ‘s editing booth at @gmanetwork after my guestings to translate some #Arabic words [heart emoji].

 

 

“Nagkaroon tuloy ako ng opportunity to have a sneak peak of our pilot episode pero di ko binuo, kasi gusto ko pa din panoorin ng sama-sama kami ng cast at staff sa house ni direk.

 

 

“Napanood ko yung mga na shoot namin sa #MiddleEast … Ang saya ko Thank you Ms. Amy and Sir Ernesto (our editor) [heart emoji]. Ang ganda ng shots @direkmark, nakakaproud August 28 na on #GMAAfternoonPrime.”

 

 

Mapapanood si Yasmien sa ‘The Missing Husband’ bilang isang OFW na si Millie, ang babaeng mapapangasawa ni Anton, ang karakter na gagampanan ni Rocco Nacino.

 

 

Magsisimula nang umere ang afternoon series ngayong August 28, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

HINDI naging madali ang buhay ng TV host na si Joana Marie, marami siyang pinagdaanang hirap sa buhay bago narating ang estado niya ngayon.

 

 

“Actually sobrang dami po,” at natawa si Joana Marie.

 

 

“Ang turning point po para sa akin when I was eighteen years old po that was the height of our poverty. I grew up in the slums from squatters’ area po ako, sa Commonwealth po, Holy Spirit.

 

 

“Nagtitinda po ang nanay at tatay ko po ng isda, nagtitinda din po sila ng manok, kung ano yung puwedeng itinda pero lumaki po talaga ako na nagtitinda sila ng isda.

 

 

“So from time to time kami pong magkakapatid tumutulong din po sa pagtitinda.”

 

 

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Joana Marie.

 

 

“Dumating po sa point na pumapasok ako sa college na I only have twenty pesos, e ang pamasahe na po before seven or eight pesos, I only have four pesos everyday.

 

 

“But I survived it, nasa school po ako from seven am until mga six pm, whole day na hindi ako kumakain because I was very determined po, gusto kong makatapos ng pag-aaral because yung parents ko naniniwala sila sa power of education.

 

 

“Gusto ko pong ibalik sa kanila yung effort po na ginagawa nila para sa akin.”

 

 

At bukod sa sipag at suwerte, higit sa lahat ay kumapit si Joana Marie sa Panginoon kaya ngayon ay matagumpay at mayaman na si Joana Marie..

 

 

Ang “A Journey With Joana Marie” na napapanood tuwing Sabado, 1:30 PM sa Light TV network (God’s Blessings of Channel) na sister TV station ng A2Z.

 

 

Ito ay bagong segment ng TV show na “Circle of Influencers” na nasa Season 2 na ngayon.

 

 

Produced bilang isang blocktime program ng Mabuhay Philippines Digital Network, ang programa ay conceptualized at directed by Jag Cruz na isa ring filmmaker at content creator.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.     Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.     “We wish to […]

  • Matapos ang pagbisita ni PBBM sa Japan… Speaker Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa

    SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan     Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas.     Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, […]

  • PDu30, muli na namang dinepensahan si Sec. Duque

    SA hindi na mabilang na pagkakataon ay muli na namang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III.   Nahaharap kasi si Sec. Duque sa alegasyon ng korapsyon.   Si Duque, chairman ng board of state medical insurer PhilHealth kung saan ang mga opisyal ay inakusahan sa Senate hearing ng pambubulsa […]