Nag-viral ang kanilang ‘cake’ dance video: MARIAN, natupad agad ang wish na maka-collab si DINGDONG
- Published on September 25, 2023
- by @peoplesbalita
NATULOY na nga ang inaabangang collab nina Kapuso Primetime Queen at kaniyang asawa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paghataw sa TikTok dance video na kinagigiliwan ng mga netizen.
Ito nga ang naging pasabog ng mag-asawa sa kanilang first day shooting para sa ‘Rewind’ na kasama sa 2023 MMFF.
Sa naturang Tiktok video, makikitang nakaupo si Marian na sumasayaw, habang napadaan si Dingdong at napahinto siya at sinabayan na niya ang paggalaw ng kaniyang asawa na tinatawag na ring ‘Tiktok Queen’ dahil sa milyung-milyong views.
Kuha nga ito sa set ng pelikula na kung saan kinunan ang wedding scene nila kaya makikitang pareho silang naka-puti.
Ibinahagi rin ni Dingdong sa TikTok, ang kanilang version “Cake” dance trend, at nilagyan niya ito ng caption na, “First shooting day namin at niyaya ako ng leading lady ko. Kaya ayun— napasayaw ako.”
Agad namang nag-viral ang newest Tiktok video ni Marian na kasama na si Dingdong. Infairness, natupad na agad ang kanyang wish at pinangako rin sa kanilang tuwang-tuwa na DongYan fans.
Samantala, pormal ng inilunsad ang mas pinalakas at mas pinabisang gamot laban sa ubong may plema, ang Carbocisteine + Zinc (Solmux Advance) Suspension.
Mula ito sa nangunguna at pinakapinagkakatiwalaang pharmaceutical at health care company sa bansa, ang Unilab, Inc. (Unilab).
Idinaos ang formal launch sa Solmux Advance Jam event na ginanap sa SM The Block last September 16 at nagsilbing hosts naman ang mga social media personalities na sina Mikey Bustos at Dr. Kilimanguru.
At syempre pa, inabangan ang pagdating ng brand ambassador ng Solmux na si Marian.
Hindi naman magkamayaw ang mga mallgoers sa pagdating ng brand ambassador ng Solmux Advance Suspension na nagbigay kasayahan sa audience sa pamamagitan ng kanyang galing sa pagsayaw.
Bilang health advocate, nagkuwento ang aktres kung paanong hindi siya nagko-kompromiso sa alam niyang dapat, tulad ng pagpili ng gamot sa ubo.
Ayon sa Kapuso aktres, “Ang ubo, parang apoy ‘yan, mabilis lumala. Kapag hindi naagapan baka maging flu, pneumonia o bronchitis. Kaya dapat agapan, dapat advance. Kaya naman, talagang kahit sa pamilya ko ay Solmux Advance ang laging naka-stock sa bahay.”
Sa isa namang pag-aaral, ang kombinasyon ng Carbocisteine at Zinc ay epektibo sa paggamot ng ubong may plema at nakakapagpabilis ng recovery period.
“Sa panahon ngayon at sa ating naranasan nitong mga nakaraang taon, kailangan natin ng advance mindset para sa ating kalusugan pati na rin ang kalusugan ng ating mga mahal sa buhay.
“Kaya naman tuloy tuloy kami sa pag-aaral at pagtuklas ng mga makabagong gamot para tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag naman ni Leevan Fong, ang Brand Manager ng Solmux Advance Suspension.
***
SI Atasha Muhlach pala ang tinutukoy na younger sister ni Dabarkads Ellen from Hollywood, na ilang linggo nang pinag-uusapan sa ‘Gimme 5’ segment ng ‘”E.A.T.”
Kaya naman sa Saturday episode ng noontime show last September 23, pormal nang ipinakilala si Atasha sa mga host at legit Dabarkads ng ‘E.A.T’., na kung saan nagpamalas ng husay sa pagsasayaw ng 22-year old na dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.
Pahayag ng bagong Dabarkads, “Maraming, maraming salamat po. Sobrang masaya ako to be here sa ‘E.A.T’ kasama ang legit Dabarkads!”
This week, tiyak na aabangan kung paano makikipagsabayan sa pagho-host si Atasha at makikipagtsikahan sa kanyang Ate Ellen at sa buong pamilya na nasa Hollywood.
(ROHN ROMULO)
-
‘Bloodline Art Exhibit’ sa Bulacan, nagbigay-buhay sa mga kwentong henerasyon
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagmalaki ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office ang ‘Bloodline: The Art of Family Bonds’, isang eksibit na pansining na sumasalamin sa malalim na ugnayan ng mga pamilya sa pamamagitan ng paglikha ng sining na ginanap sa Guillermo Tolentino Exhibit Hall, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, Provincial Capitol Compound sa lungsod […]
-
Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights
PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights. Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University […]
-
Nagpapasalamat sa sumusuporta at nagdarasal… LIZA, nadismaya sa ‘di pagdating ng kabilang panig sa mediation sessions
SUNUD-SUNOD ang naging post ni Liza Diño kahapon tungkol sa haharapin niyang mediation sessions para sa cyber libel cases na kanyang sinampa. Unang post niya, “Attending three mediation sessions today for the cyber libel cases I filed. Kailangan ko ng lakas. Pls pray for me and for the truth to prevail. Thank […]