Naganap ang intimate wedding ceremony sa Northern Ireland: GLAIZA, nanggulat dahil ikinasal na rin pala kay DAVID noong October
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
NASORPRESA ang netizens na sumusubaybay sa Valentine’s Day celebration ng Kapuso Mo Jessica Soho, last Sunday, nang aminin ni Kapuso actress Glaiza de Castro na married na siya sa Irish businessman na si David Rainey.
Kinasal sila last October, 2021 nang bumalik sa Ireland si Glaiza, na sabi niya ay for a vacation dahil katatapos lamang niyang mag-lock-in taping ng last seryeng ginawa niya sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha.
Walang ipinakita si Glaiza habang nasa Ireland siya, na magpapakasal na sila ni David, dahil nag-tour pa sila ng iba’t ibang lugar sa Europe.
First time nag-meet sina Glaiza at David sa Siargao, in 2018, at parang love at first sight ang nangyari sa kanila at sabi nga, naging sila agad, dahil sabi ni David, “Sobrang ganda niya, I was just blown away!”
At nang minsang bumalik sa bansa si David, inabutan na siya ng lockdown dahil sa Covid-19. At matapos makabalik na si David sa Ireland, sumunod sa kanya si Glaiza, at doon na sila nag-desisyon na magkaroon na sila ng intimate wedding ceremony in Northern Ireland. Held beside a castle that was once the location site of the hit series na Game of Thrones. Sinunod nina Glaiza at David ang Irish tradition of handfasting which means “really tying the knot.”
Ayon pa kay Glaiza, hindi pa sila nag-exchange rings dahil gusto nilang i-save ito sa church wedding nila na dito gagawin sa Pilipinas, tulad nang napagkasunduan nila noon.
Sa ngayon, nakatapos na ng bagong serye si Glaiza sa GMA, ang False Positive na first time nilang pagtatambalan ni Xian Lim.
***
SA world premiere ng romantic-comedy series na First Lady na tampok sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, last Monday, halos ang buong cast ay lumabas na.
Nakita na rin sina Isabel Rivas, Francine Prieto at Samantha Lopez, na gumaganap na mga former first ladies na kinuha ni Blesilda (Pilar Pilapil), ina ni President Glenn Acosta, para turuan daw si Sanya na maging good first lady, pero ang totoo ay gusto nilang ipahiya si Melody.
“Ang hirap i-bully ni Sanya, kasi ang bait-bait niya in real life,” pare-parehong sagot ng tatlo.
“Napakadali niyang pakisamahan, kaya mahirap apihin. Pero she’s a very good actress. Ang dali niyang maapektuhan kapag inaapi namin at madaling mapaiyak.”
Thankful naman ang tatlong first ladies sa GMA na binigyan sila ng stylist na naghahanda ng mga isusuot nila sa show sa kanilang role.
Sa ngayon ay nasa second lock-down taping na ang serye na tatagal hanggang sa March 30, 2022.
Napapanood gabi-gabi ang First Lady after ng 24 Oras.
***
NAMI-MISS na ng mga fans nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang dalawa dahil matagal na raw hindi sila napapanood mag-perform sa All-Out Sundays.
Si Bianca lamang ang regular nilang napapanood sa show. Hindi dapat mag-worry ang mga fans nila, kasalukuyan na kasing naka-lock-in taping ang actor sa kabundukan ng Quezon Province, para sa matagal nang inaabangang action-fantasy series na Lolong.
Natuwa si Ruru nang finally ay natuloy na rin ang lock-in taping nila, na mahirap daw i-shoot dahil more on exterior shots ang kinukunan nila, kaya kalaban nila kung umuulan at bumabagyo.
“Hindi po kasi biro na gumawa ka ng show tungkol sa isang giant crocodile,” kuwento ni Ruru.
“We’re using an animatronic model na sampung tao ang bumubuhat sa kanya sa set. Happy po ako na kasama ko rito ang mga mahuhusay na artista, si Mr. Christopher de Leon, si Ms. Jean Garcia at marami pang iba. Dalawa po ang leading ladies ko rito, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.”
Kasama rin ni Ruru ang lumipat na rin sa GMA na si Vin Abrenica, kaya magkasama na sila ngayon ng wife niyang si Sophie Albert.
(NORA V. CALDERON)
-
VENDOR KULONG SA PAG-INOM NG ALAK SA KALYE
KALABOSO ang 59-anyos na vendor nang pumalag at laitin pa ang opisyal ng barangay na sumita sa kanya habang umiinom ng alak sa lansangan sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Alas-10:30 ng gabi nang sitahin nina Barangay Executive Officer Kris Khate De Leon at tanod na si Ramil Arevalo sa pag-inom ng alak sa lansangan […]
-
Denden umawra sa Olympic website
PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod. Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]
-
PDU30 nabigyan ng maling impormasyon sa usapin ng pondo – Sotto
Malaki ang paniniwala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabigyan umano ng maling impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin nang pagharang daw nila sa pondo ng Office of the President na nakalaan sa proposed 2022 budget. Sinabi ni Sotto na walang anumang motibo ang Senado sa kanilang pag-iimbita sa mga […]