• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbabalik kaya certified Kapamilya pa rin: SHARON, nagluluksa na naman sa pagpanaw ng kanyang ‘Inay Manny’

NAGLULUKSA na naman si Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz, ang actor-director na si Manny Castañeda.

 

 

 

Sa kanyang social media post, mababasa ang labis niyang kalungkutan, “On one of the saddest days I have had to live through, I said “Goodbye…” to another dear friend. My “Inay Manny” was my first writer for my show (TSCS) from IBC-13 in 1986 to many years after we moved to ABS-CBN in 1988.

 

 

 

“We also did movies together. More than having fun and working well with each other, we became friends. Inay Manny was one of those I could trust with my innermost feelings, as well as expect to be comforted by, often ending in fits of laughter.”

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Mega, “He was loving, kind, witty and smart. I will miss him terribly. There is a whole novel I could say about him, but this has been another unwelcome punch in the gut.

 

 

 

“So I will end it here, in this way: I love you, Inay. Thank you for touching my life, doing a great job with me on my show, inspiring me to be better not just at work but as a person. Thank you for your friendship. “My deepest, sincerest condolences to those he loved and left behind. Hugs especially to his best friend, my Direk Joey Reyes. #tscsfamilyforever.”

 

 

 

Isa nga si Sharon unang nakiramay sa first night ng wake ni Direk Manny noong July 2.

 

 

 

Maraming nakiramay at nag-alay ng panalanagin sa mga naulila nitong pamilya, kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities.

 

 

 

Ilang nga sa nagkomento sa post ni Sharon ay si Carmi Martin na nagsabing, “I’ve worked with him on stage, tv and movies. You will beat yearly missed by the industry bye for now my friend see you in heaven in God’s s time.”

 

 

 

“Hugs BFF,” say ni Ogie Alcasid.

 

 

 

Ayon naman sa bali-balita, natagpuan lamang ang labi ni Direk Manny makalipas ang tatlong araw nang siya bawian ng buhay. Ang nakalulungkot lang ay pumanaw nang mag-isa ang direktor na sanhi raw ng Congenital Heart Disease, Chronic Kidney Disease at Hypertension.

 

 

 

On lighter note, kahapon July 3, winelcome ang nag-iisang Megastar sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya Channel. Sinalubong si Sharon ng mga big bosses ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na sina Rondel Lindayag, Kylie Manalo-Balagtas, Cory Vidanes at Laurenti Dyogi.

 

 

 

Hindi nga napigilang maiyak ni Sharon sa muling pagwi-welcome sa kanya bilang Kapamilya.

 

 

 

Kaabang-abang nga ang gagawin niyang teleserye na sinasabing makakasama raw niya si Julia Montes.

 

 

 

Well, abangan na lang ang mga pasabog na projects ni Mega.

 

 

 

***

 

 

ANG Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay naglunsad noong Lunes (July 1, 2024) ng PANALO SA ALLTV promo para sa mas exciting ang panonood ng mga viewers nito.

 

 

 

Ang AMBS, na nag-o-operate ng ALLTV, ay mamimigay ng bahat at lupa mula sa Vista Land kada Linggo mula July 1 hanggang August 26, 2024, habang P500 each ang naghihintay sa 20 lucky winners araw-araw.

 

 

 

Kaya hinihikayat ang mga manood na i-scan ang QR code na mag-flash sa mga program ng ALLTV, at hanapin ang word/s for the day na ipapakita mula sa pagbukas ng mga programa simula 12 noon hanggang 11:15p.m.

 

 

 

Kinakailangan din mag selfie ang mga nais sumali.

 

 

 

Para sa mas detalyadong mechanics, magpunta sa www.alltv.com.

 

 

 

Mapapanood sa ALLTV ang pinakamatagal nang TV news show na ‘TV Patrol’, at ang pinakasikat na variety show, ‘It’s Showtime!’ Mapapanood din sa ALLTV ang classic programs ng ABS-CBN na nasa Jeepney TV.

 

 

 

Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 (Free TV at Planet Cable); Channel 35 (Cignal and Skycable- provincial areas); Channel 13 (Skycable in Metro Manila) at Channel 2 (for Sinag, Cablelink, GSAT and other cable TV).

Other News
  • Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official

    SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.   Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.   Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong […]

  • Ads November 11, 2024

  • Gilas Pilipinas coach kukuha ng mga manlalaro mula UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments

    PLANO ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kumuha ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments sa buwan ng Hulyo.     Ito ay sa kadahilanan na maraming mga PBA Players ay abala na dahil sa kasagsagan ng 47th season ng Philippine Cup na magsisimula sa Hunyo 5.   […]