Nagbabalik na ang ‘Iconic Pair’ ng PH Cinema: Patikim ng bagong TVC nina JOHN LLOYD at BEA, inilabas na
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
NASA Instagram na ng Jollibee ang bagong TVC ng mga new Kapuso actors na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Ito ang shoot nila two weeks ago na akala ng mga netizens na nakakita ay nagsu-shoot na sila ng movie nila sa Star Cinema.
Tiyak na ikatutuwa ng mga viewers ang usapan nila sa video na nabanggit pa nilang “mula sa puso” ang ginawa nila.
Actually, patikim pa lamang ang TVC nila dahil may short film pa ito na tiyak na magugustuhan ng mga fans ng paborito ninyong Iconic love team.
Titled One True Pair The Movie, abangan ang streaming nito sa December 1.
***
NAGSIMULA nang mapanood last Monday sa GMA Telebabad, ang romantic-drama series na I Left My Heart In Sorsogon, kaya naman bukod sa aabangan ang first time na pagtatambal nina Heart Evangelista at Richard Yap, ay ang new love team nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.
Matagal na kasing binibiro ang dalawang youngstars simula nang mag-lock-in taping sila sa Sorsogon.
Maraming first para kay Mavy ang serye dahil first time niyang nagkaroon nito in three years na niya sa GMA Network, first time din niyang napalayo sa kanyang family nang matagal kaya laging umiiyak ang Mama Carmina (Villarroel) niya tuwing aalis siya for the lock-in taping at first time din niyang makasama ang mga co-stars niya, except for Kyline.
“It’s an honor to work with Ate Heart, Kuya Paolo and Kuya Richard,” sabi ni Mavy.
“Si Kuya Richard, friends ko ang mga anak niya kaya kilala ko na siya, pero sa first taping day namin, intimidated ako working with them, but later on, enjoy na ako, dahil parang mga mentors ko na sila sa mga eksena namin.
“As to Kyline, three years na kaming friends since nagkasama kami sa ‘All-Out Sundays’ at siyempre may feeling na nadi-develop. Basta ang rule naman nina Mama at Papa is, if I’m interested in a girl, dapat iko-court ko talaga nang maayos, so that’s what I’m doing now.”
Ibig sabihin ba, wala namang problema kina Kyline at Mavy kung maging formal na ang kanilang relationship, dahil kita raw ang pagiging close ni Mavy sa parents ni Kyline.
No problem din kay Kyline, dahil kilala na siya ni Carmina, dahil nagkasama sila sa Kambal, Karibal na gumanap siyang anak ni Carmina.
Napapanood ang ILMHIS at 8:00 PM sa GMA-7 after ng 24 Oras.
***
SUNUD-SUNOD ang mga projects na ginawa ni Derrick Monasterio this year sa kabila ng pandemic, at nalubos pa ito dahil he will be celebrating Christmas and New Year in the United States dahil he will attend the wedding of their mom, former actress Tina Monasterio.
First time daw niyang mag-Christmas away from home. Sa January, 2022 pa ang wedding, kaya tatapusin muna niya ang mga projects na ginagawa niya ngayon, like ang “Oh, My Oppa” episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, na napapanood sa GMA-7 every Sunday, 6:30PM, with Sanya Lopez and Gil Cuerva.
“Happy ako for our Mom, na sinurpresa niya kami ng kapatid ko, nang basta nagpadala lamang siya ng picture wearing an engagement ring,” sabi ni Derrick.
“Kita naming sa picture niya na happy siya at nag-bloom ang beauty niya. Mom is very supportive to us, kaya masaya kami para sa kanya.”
(NORA V. CALDERON)
-
Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair
MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities. […]
-
Sa pag-amin nina Aljur at AJ: KYLIE, pahapyaw na sinabing happy para sa kanilang relasyon
MASAYA ang Valentine’s Day ng pamilya ni Richard Yap, nang umalis siya, kasama ang wife niyang si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan, for Zurich, Switzerland, last February 14. Ayon kay Richard, sa Switzerland na raw nila isi-celebrate ng family niya ang Valentine’s Day, na araw naman ng pag-alis nila […]
-
Semis duel ng Cool Smashers at Flying Titans inaabangan
NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mucho sa pagsisimula ng semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference bukas sa The Arena sa San Juan City. Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game […]