Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini.
Caption ni Kris, “Same fit but add another human. A little fun #26weeks bump update.”
Kasunod nito ang iba’t-iba niyang nararamdaman…
“Baby is moving around like a gymnast.”
“Linea negra and pink streaks in my belly become more noticeable.
“I can barely see my vagina or anywhere beneath my belly.
“Having the wildest, weirdest dreams of my life with night sweats. “Experiencing pregnancy insomnia that comes with anxiety and worries. “And, just most of the time I’m in zombie mode!
“The list goes on.”
Pero sa kabila ng kanyang pag-e-emote, “So blessed to experience this and this baby girl is already filling our days with so much love and hope. Thanks for the outpouring of love y’all.”
Marami namang naka-relate kay Kris, lalo na ang mga ina at kasalukuyang nagbubuntis dahil naranasan din nila ang mga nabanggit ng aktres.
Pero may isang guy sa nag-comment at nagtanong kay Kris ng, “Blessing yan. Parang pinagsisihan mo?”
Kaya naman ‘di napagilang sagutin ito ng, “Read the caption po. Blessed for the miracle of life, for what my body is doing, and loving my bump in this season which means my baby is growing!
“It doesn’t make you a bad mama or ungrateful to have feelings that aren’t always sunshine and rainbows!”
Kinuyog naman ng mga netizens at followers ni Kris ang lalaking nagkomento nang hindi muna binabasa ang buong caption.
Samantala, kung maraming naka-relate, meron din namang ‘di agree sa ginawa ni Kris at ilan sa komento ng mga Marites sa ‘Fashion Pulis’…
“May mga ka fp ba dito na buntis at naka bikini nag po post sa social media at gumaganyan?”
“Yes madami. At sa video nya, obvious naman she’s just playing around. People take things way too seriously sometimes.”
“Ako buntis ako ngayon, kaso di ako nagbibikini eh saka post dito lang ako sa room namin na naka-bra at panty haha nakakatawa makita yung tyan ko na sobrang liit before ngayon may laman na hahaha.”
“TMI… tapos pag may pumansin sasabihan ng pakialamerang basher … san ba kaming mga Marites lulugar sa buhay niyong mga celebrities? There’s sharing usefull information then there’s sharing too much information.”
“Ano ba nangyari kay Kris Bernal? gusto ko sya dati Starstruck days. Wala ako problema sa itsura nya ah kung nagbago man pero bakit naging nuknukan na ng arte yan. Ang cringe na din nya!
“True. May pagka-feelingera siya actually. Marunong namang umarte at kayang magpa-rate ng show pero ewan ba, maepal si ate girl. Nawalan ng amor ang home network dahil sa kaartehan tapos heto at ida-drag pa niya ang kanyang pagbubuntis na kapag pinuna ay nahu-hurt kuno. Siya ang sarili niyang PR actually.”
“Nag-post siya na pabirong umiiyak dahil she’s comparing her tummy before when she wasn’t pregnant tapos blessing daw. Ano ba talaga or sadya ka lang talagang super vain.”
“Naloka ako sa hanash na she can barely see her V hahahaha i dont know what to say.”
“Napaka-contradicting naman kase ng caption at video. Blessing pero ang daming kuda sa body changes nya. Blessed pero reklamador yarn. Paka-arte gusto lang mapuri na it’s ok you’ll get back in shape eme eme yan gusto nya mabasa.”
“Tbh sa lahat ng celebs na pina-follow ko sa ig na nabuntis sya lang yung bukod tanging ganyan.”
“Marami din akong reklamo nung buntis like the nausea and vomiting and walang makain except gummy bears, sky flakes and fruit juice coz masusuka ako sa karne. Pero never ako nagreklamo sa laki ng tyan ko. Luckily never had that linea nigra.”
(ROHN ROMULO)
-
USAPANG “ESSENTIAL” sa PANAHON ng ECQ
Ang mga motorcycle delivery riders at ang mahalagang papel nila sa ekonomiya sa panahon ng pandemya. Marami nang nag viral na mga insidente ng pagtatalo ng mga delivery riders at mga bantay o enforcers sa mga checkpoints. Pinagtalunan pa nga kung ang lugaw ay essential o hindi. Sabi nga noong enforcer “mabubuhay ka naman ng […]
-
Pacman sa 6-hr creation process ng kanyang wax figure: ‘That’s what makes them so realistic’
MAGKAHALONG pagkalibang at pagkagulat ang naramdaman ni Senator Manny Pacquiao sa buong proseso ng paggawa sa kanyang wax figure. Pahayag ito ni Manny sa nakatakdang launching ng kanyang sariling waxwork mula sa tanyag na wax museum sa Hong Kong. Ayon sa 41-year-old fighting senator, inakala nito na matagal na ang dalawang oras pero […]
-
Face to face classes, aprub sa PTA
SANG-AYON pa rin ang National Parent-Teacher Association Philippines (PTA) na maipatupad na ang face-to-face classes sa susunod na pasukan, sa kabila nang patuloy na tumataas na mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon kay PTA president Willy Rodriguez, base sa resulta ng isinagawa nilang online survey, 100% ng mga respondents ang nais nang […]