• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbibigay ng pag-asa sa Philippine cinema: KATHRYN, labis ang pasasalamat na naka-100M na ang movie nila ni DOLLY

PAGKARAAN ng isang linggo, kumita na raw ng higit sa P100 million ang ‘A Very Good Girl’, ayon sa press release na pinalabas ng Star Cinema noong October 10, 2023.

 

Kaya naman nag-post na ng pasasalamat si Kathryn Bernardo sa tagumpay ng dark comedy film nila ni Dolly de Leon, na kung saan first time niyang gumanap ng out of the box character na ikinagulat talaga ng kanyang fans.

 

Kasama ng series of photos, may caption ito ng, “100 million?!!! You have no idea how much this gives us hope for the Philippine cinema. Thank you so much for all your love and support!
“Congratulations, Team AVGG!”

 

At dahil nga sa success ng movie, aabangan naman kung ano ang magiging verdict ng madlang pipol sa movie nina Alden Richards at Julia Montes na ‘Five Breakups and a Romance, na ipalalabas na sa October 18.

 

Hopefully, kumita rin ito ng higit sa P100 million.

 

Samantala, puring-puri naman ni Kathryn ang kanyang mini-me na kung saan suot-suot nito ang do-it-yourself version ng kanyang outfits.

 

“I surrender! I think she did it better! I hope to meet you soon, bb Eunice!!” say ni Kath sa kanyang post na ibinihagi ang mga viral photos ng little girl na anak ng content creator na si Rochelle Mae Dela Pena.

 

Binibihisan niya ang kanyang anak na si Eunice para kopyahin ang ilang celebrity, at ang pinakahuli nga ay nang gayahin niyang ang look ni Kathryn sa 2023 ABS-CBN Ball.

 

Ang silver gown ay likha ni Mark Bumgarner at ang white ensemble ni Martin Bautista na isinuot naman ni Kathryn sa Seoul Drama International Awards, kung saan nanalo siya ng Outstanding Asian Star.

 

Sobra ngang nakaaaliw ang hitsura ni Eunice, hanggang sa buhok gamit ang isang wig. Kaya pinusuan ito ng netizens at celebrities tulad nina Iza Calzado, Jericho Rosales, Ria Atayde, Camille Prats, Denise Laurel, Sylvia Sanchez, Klarisse de Guzman, Almira Muhlach at Rhian Ramos.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SPONSORSHIP AT DEBATE SA P4.5-T BUDGET MULING BINUKSAN

    INIREKONSIDERA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang second reading approval ng 2021 proposed P4.5 trillion national budget.   Ito ay para muling maipag- patuloy ang sponsorship at debate pati na rin ang period of amendments na natigil nang magmosyon si dating Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill […]

  • Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris

    Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.     Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]

  • Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok

    LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan.     Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilo­metro silangan ng Aparri, Cagayan.     Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa […]