SPONSORSHIP AT DEBATE SA P4.5-T BUDGET MULING BINUKSAN
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
INIREKONSIDERA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang second reading approval ng 2021 proposed P4.5 trillion national budget.
Ito ay para muling maipag- patuloy ang sponsorship at debate pati na rin ang period of amendments na natigil nang magmosyon si dating Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) noong nakaraang linggo.
Sa kabila ng pagrerekonsidera sa budget approval, tiniyak naman ni House Committee on Appropriations Vice Charman Joey Sarte Salceda na magiging mabilis ang pag-apruba sa GAB, na sinertipikahang urgent ni Pagulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.
Sa darating na Biyernes aniya, target nilang maaprubahan ang 2021 budget.
Ilang kongresista ang umapela sa mga nakalipas na araw na muling buksan ang plenary debates sa panukalang pondo upang sa gayon ay mabusisi ng husto ang nilalaman nito.
Mahalaga rin aniya na matiyak na wasto ang alokasyon sa iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas.
Sa ngayon, 18 ahensya pa ng pamahalaan ang hindi pa natatalakay ang budget sa plenaryo ng Kamara.
Pero habang tinatalakay sa plenaryo ang budget, sinabi ni Salceda na patuloy na kikilos naman ang small committee na binuo para tumanggap ng amiyenda mula sa mga kongresista.
Sa ganitong paraan ay mapapabilis aniya ang approval ng budget.
Kaugnay nito, umapela nang pagkakaisa si Velasco sa mga kasamahan niya sa Kamara upang sa gayon ay maisakatuparan ang pangakong maaprubahan on time ang 2021 budget. (Daris Jose)
-
Marcial target isabak sa Agosto
SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial. Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam. Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng […]
-
OLIVIA WILDE’S “DON’T WORRY DARLING” TO WORLD PREMIERE AT THE 79TH VENICE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
NEW Line Cinema’s “Don’t Worry Darling,” the highly anticipated second feature from director Olivia Wilde, is set to make its out-of-competition world premiere at the 79th Venice International Film Festival of La Biennale di Venezia, running from 31 August to 10 September, 2022. The announcement was made today by Alberto Barbera, Director […]
-
Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer
Muling napasama si Manny Pacquiao sa listahan ng pinakamayayamang boksingero sa mundo. Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan. Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing. Kaya naman sumampa ang Pinoy […]